Pulis na ‘sikreta’, itatalaga sa mga malls – NCRPO
ni Lolet Abania | December 5, 2022

Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kanilang mga tauhan na nakasuot sibilyan para magpanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay NCRPO Deputy Regional Director for Operations Brig. Gen. Jack Wanky, parehong ang mga undercover personnel at uniformed officers ay mag-iikot sa mga shopping malls at iba pang mga lugar na maraming nagtitipun-tipon.
Aniya, tipikal na tumataas ang tinatawag na street crimes sa panahon ng holiday season, kaya mabuting mag-deploy ng kanilang mga tauhan na nakasibilyan.
“Mayroon tayo mga ‘sikreta’ tawag natin doon... They are in coordination sa mga mall natin. They are strategically stationed sa mga areas,” pahayag ni Wanky.
“We are not letting our guards down. Siyempre mag-e-enjoy din ng Pasko itong mga pulis natin. But we manage in such a way na ‘di mababakante ang mga areas na dapat nakikita ang kapulisan natin. Hinati-hati natin schedule... so they can be given days to spend with their family,” paliwanag pa ni Wanky.





Comments