Pulis na sangkot sa pagkamatay ng 16-anyos sa anti-illegal drug operation, walang lusot!
- BULGAR
- Jul 9, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | July 09, 2021
Kinasuhan na ang pulis na nakapatay ng binatilyo sa isang anti-illegal drug operation sa Laguna.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
MALINAW na hindi kinukunsinte ng hayrarkiya ng PNP ang anumang klase nang walang habas na pagpatay o extra-judicial killings.
“This is proof that the PNP will not shield its personnel. Kung may akusasyon, imbestigahan at sampahan ng kaso kung kinakailangan. I have repeatedly said that I will not tolerate police abuse in the organization,” wika ni PNP Chief Guillermo Eleazar.
◘◘◘
IBINUNYAG mismo ni Region 4-A director Police BGen Eliseo DC Cruz na isinampa na ng Fact-finding Investigation Task Group ang kaso noong Lunes, Hulyo 5.
Isinampa ang homicide complaint laban sa sampung police personnel Laguna Police Provincial Office (PPO) sa City Prosecutor ng Biñan City.
Namatay sa naturang insidente ang 16-year-old na si Jhondie Helis!
◘◘◘
KABILANG sa kinasuhan ang hepe ng operation team mula sa Laguna PPO Intelligence Branch na si PCapt. Fernando Credo.
Ibinatay ang kaso sa complaint-affidavit ng ina ng biktima.
Nakiusap si Eleazar sa mga naulila na ipaubaya na sa city prosecutor ang desisyon kung paano masasampahan ng kaso ang mga nagkasala!
◘◘◘
DAPAT pa ring umiral ang normal na proseso ng batas.
“For now, hayaan nating gumulong ang kaso ng mga pulis na kinasuhan at hintayin natin ang magiging resolution nito. Let us allow the City Prosecutor to appreciate the submitted evidence and facts of the incident,” wika ni Eleazar.
◘◘◘
IKINATUWA ni Eleazar ang mabilis na aksiyon ng CALABARZON-Police Regional Office upang mabigyan ng hustisya ang kinauukulan.
May pagkakataon din ang mga suspek na ipaliwanag ang kanilang panig upang malinawan ang tunay na sitwasyon!
◘◘◘
SA ngayon, may pagkakataon nang maibalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.
Magiging maingat na rin ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga regulasyon dahil kapag nagkamali sila ay may paglalagyan sila at mananagot!
◘◘◘
ISANG malaking hakbang ito upang muling maibalik ang reputasyon ng mga pulis.
Sana’y mabuhay muli ang “maalamat” na Manila’s Finest sa panahon ni Gen. Eleazar!
◘◘◘
MALAKING bagay ang mabilisang pagkilos ng mga nakatataas na opisyal ng pulisya.
Isang paraan ito upang maibalik ang tiwala ng publiko sa Pambansang Pulisya na nasira sa nagdaang panahon!





Comments