Pulis na pumatay sa mag-inang taga-Tarlac... Nuezca, patay na

ni Lolet Abania | December 1, 2021

Pumanaw na ang dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-ina na taga-Paniqui, Tarlac. Ito ang kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Miyerkules.
Ayon sa spokesperson ng BuCor, namatay si Nuezca nitong Martes, Nobyembre 30 habang isasailalim ito sa awtopsiya para alamin ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Matatandaang si Nuezca ay napatunayang guilty “beyond reasonable doubt” para sa 2 counts ng murder, hinggil sa pagpatay sa mag-inang kapitbahay na sina Sonia Gregorio at anak na si Frank Anthony noong Disyembre 20, 2020 at nahatulan ng reclusion perpetua.
Nasentensiyahan si Nuezca ng hanggang 40 taong pagkakulong (reclusion perpetua) para sa bawat count at pinagbabayad sa mga naulila ng mga biktima ng kabuuang P952,560.
Ang desisyon ay inisyu ni Judge Stella Marie Gandia-Asuncion ng Paniqui Tarlac Regional Trial Court Branch 106.





Comments