Pulis binentahan... Rider na tulak, huli sa akto
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Maeng Santos @News | September 5, 2026

Photo: File
Mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang rider sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si "Thugs," 45, ng Brgy. Canumay West na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Sherwin Dascil ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng suspek ng ilegal na droga.
Alas-10:40 ng gabi nang maaresto nina Lt. Dascil ang suspek matapos umanong bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isa sa kanyang tauhan na nagpanggap na buyer sa L. San Diego St., Brgy. Canumay West.
Nasamsam sa suspek ang 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, coin purse, P150 cash, buy-bust money at motorsiklo na gamit umano nito sa pagdedeliber ng droga.





Comments