top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Publiko, ‘wag magpabudol sa mga nag-aalok ng mababang presyo ng sasakyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | October 29, 2023


Hindi na bago na masangkot sa katiwalian ang ilang empleyado ng isang kumpanya. Karamihan sa mga empleyadong ito ay magaling sa mabulaklak na salita kaya naman maraming customer ang madaling maniwala o maloko.


Ito ang nangyari sa mahigit limampung empleyado ng isang auto-trading company na kinasuhan ng Computer-related Forgery, Estafa, at Syndicated Estafa.


Ayon sa National Bureau of Investigation, nakatanggap ng kabuuang 56 na iba’t ibang reklamo ang kumpanya na umano’y nag-aalok ng mga sasakyan at motorsiklo na mas mababa sa suggested retail price at nagbibigay pa ng opsyon para sa mas mababang monthly installment, at opsyon para sa auto-financing o loans online.


Iginiit ng NBI na ang mga complainant ay kinakailangang kumuha ng approved loans mula sa ibang mga dealer ng sasakyan, pagkatapos ay kakailanganin nilang magbayad ng 50% ng kanilang napiling sasakyan, kung saan 30% ang kinuha ng kumpanya at 20% lamang ang binabayaran sa dealer.


Pahayag pa ng kagawaran na ang kumpanya ay nag-operate sa pamamagitan ng pekeng advertising bilang isang financing company sa halip na isang multi-franchise dealer, na sinasabing unauthentic data, kung saan naloko ang mga complainants na pumasok sa isang kontrata sa kumpanya.


Hindi natin alam kung ilang kumpanya pa ang nag-o-operate ng mga ganitong ilegal na gawain, kaya mahusay ang ginawa ng mga awtoridad at sinampulan ang mga empleyadong sangkot sa panloloko.


Matakot naman sana ang ibang kumpanya at tigilan na ang pambubudol sa taumbayan dahil hindi biro ang perang inilalabas nila para lang makabili ng sariling sasakyan.


Panawagan natin sa mga mamamayan, maging mapanuri at matalino tayo sa mga nag-aalok na indibidwal at huwag agad na magtitiwala. Alamin muna natin kung legit ang mga kumpanyang nag-aalok sa atin at baka isa na tayo sa posibleng mabiktima.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page