top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Publiko, travel agency tiyaking legit bago makipag-deal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 19, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Marso 19, 2024


Marami na ang abala sa pagpaplano kung saan magbabakasyon.


Bukod sa pag-uwi sa sariling probinsya, may iba na mas pinipiling magtungo sa iba pang lugar. Kaya talagang patok ngayon ang travel tours. Maraming travel package na iniaalok lalo na online at kani-kanyang diskarte ang mga agency kung paano makakahikayat ng kliyente.


Kaugnay nito, laging nagpapaalala ang gobyerno sa publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa pagsasagawa ng online travel arrangements.


Dapat i-verify ng prospective travellers ang pagiging legit ng mga website at service provider bago magbigay ng anumang personal o pinansyal na impormasyon.


Kung kaduda-duda ang site, i-report sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).


Una nang inilunsad ng CICC ang “Online Bantay Lakbay” na ginawa katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at Scam Watch Pilipinas.


Ang “Online Bantay Lakbay” ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko at labanan ang travel scams, lalo na ang mga isinasagawa online. Dapat na maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na travel schemes.


Kaya bago makipag-deal, alamin muna kung ang travel agency ay legal, totoong nag-o-operate at subok na sa maayos na serbisyo. Sa pamamagitan nito, safe at sulit ang bakasyon.


Para naman sa mahuhuling travel scammer, dapat ay mabigyan ng leksyon at mailantad sa publiko para ‘di na makapambiktima o tularan ng iba.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page