top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Publiko, tiis na lang sa dagdag-singil sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
1 min read

@Editorial | October 13, 2023


Sa gitna ng giyera sa ibang bansa at ingay ng mga anomalya at kontrobersiya sa gobyerno at pulitika, may araw-araw ding hinaharap na laban ang taumbayan.


Ito ay ang pagtawid sa araw-araw na gastusin.


Matapos ang sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng petrolyo at pagmahal ng mga bilihin, may nakaamba namang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan.


Ayon sa ulat, nasa P0.42 kada kilowatt hour ang dagdag-singil, na katumbas ng taas na P84 hanggang P220 sa mga ordinaryong konsyumer.


Ang pagtaas ay bunsod umano ng paglobo ng presyo ng kuryente na galing sa dalawang planta dahil sa kawalan ng natural gas.


‘Yung mga gas plant ay gumamit umano ng mas mahal na panggatong, kaya nabawasan ng supply sa merkado. Ang impact, mas mataas ang cost ng generation.


Napag-alaman na nasa P4 kada kilowatt hour lang ang presyo ng natural gas kumpara sa liquid condensates na P8.


Mananatili umanong mahal ang kuryente kung patuloy na humihina ang supply ng natural gas.


Samantala, sa ikalawang araw naman ng trading sa world market, pababa pa rin ang presyo ng diesel at kerosene habang may kaunting increase naman sa gasolina.


Ang ganitong problema ang isa rin sa mga dapat sanang matutukan ng pamahalaan.


Tila walang kalaban-laban ang publiko sa tuwing may taas-presyo sa mga pangunahing pangangailangan.


Kapag sinabing magtataas ang singil sa kuryente o tubig, kamot-ulo na lang ang mga konsyumer.


Kung hindi man mapigilan, kahit sana gumawa na lang ng alternatibong paraan upang hindi masyadong maging mabigat ang epekto sa taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page