top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Publiko, pumili ng ‘eco-friendly’ na kandidato

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2023
1 min read

@Editorial | October 21, 2023


Ngayong ikatlong araw ng pangangampanya, nagkalat na ang mga campaign poster at kani-kanyang pakulo na ang mga kandidato para sa BSKE 2023.


Kasabay nito, panawagan sa lahat na iwasan ang pagkakalat ng mga plastic at iba pang basura.


Apela sa mga kandidato na gumamit na lang ng eco-friendly materials para sa gagawing campaign materials, at iwasan ang labis na pulyetos at iba pa.


Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10294 s. 2018, dapat gawa sa mga bagay na nare-recycle ang mga campaign material.


Dapat ding balikan ng mga kandidato ang kanilang mga ipinaskil na election materials anuman ang maging resulta ng halalan.


Kaya sa mga kandidato, magkaroon sana ng disiplina at maging modelo sa taumbayan pagdating sa pagprotekta ng kalikasan at kapaligiran.


Hindi lang puro papogi, isama rin sa plataporma ang makakatulong sa pagpapaganda at paglilinis ng bawat komunidad.


Panawagan din sa publiko, itapon sa tamang basurahan ang mga flyers o iba pang campaign materials na ibinibigay ng mga kandidato. Maging responsable at disiplinado sana tayo sa ating kalikasan dahil para rin ito sa ating kinabukasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page