top of page

Publiko, doble-ingat sa pagbili ng paputok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2023
  • 1 min read

@Editorial | November 13, 2023


Ilang araw pa bago ang Pasko at Bagong Taon, pero nagpapaalala na ang ilang environmental group mula sa pagbili ng mga paputok.


Posible umano ang pagkalat ng mga toxic na paputok ngayong panahon ng Kapaskuhan at mahigpit na nila itong mino-monitor dahil nagtataglay ang mga ito ng mapanganib na kemikal.


Ang mga naturang kemikal ay nakakasira umano sa kalusugan ng tao at kapaligiran.


Kinabibilangan ito ng mga paputok na crackling balls, crackers, pop-pop, happy ball, dynamite, five-star, whistle bomb, at maging ang piccolo.


Ang ilan sa mga nabanggit na paputok ay ibinebenta na umano sa Divisoria, kaya naman mas lalawakan na ng mga awtoridad ang kanilang kampanya na “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon”.


Sa mga magulang, bantayan at ipaunawa sa mga anak ang panganib na dulot ng mga paputok.


Batid natin na hindi talaga maiiwasan ang pagpapaputok, ngunit siguruhin nating ligtas ang paggamit ng mga ito.


Sino ba naman ang gustong mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon sa ospital?


Marami pang ibang paraan upang makapagsaya, piliin nating maging ligtas sa papalapit na Kapaskuhan, at ‘wag nang pasaway.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page