top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Publiko, ‘di dapat mangamba, may sapat na pondo vs. COVID FLiRT

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2024
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 31, 2024



Boses by Ryan Sison


Mayroong sapat na pondo ang gobyerno sakaling tumaas ang bilang ng mga kaso ng bagong variants ng COVID-19. 


Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) kung saan ayon kay DOH Undersecretary Achilles Gerard Bravo, mayroong surplus funds ang kagawaran at ito ay kanilang puwedeng gamitin upang bumili ng mga gamot laban sa COVID-19 FLiRT variant.


Sa kasalukuyan, ginagamit ng kagawaran ang kanilang mga pondo para sa paglaban sa ibang mga sakit.


Ipinaliwanag naman ni Bravo sa ginanap na pag-review ng House Committee on Appropriations hinggil sa budget ng DOH, na sa 2023 General Appropriations Act (GAA), ang kagawaran ay nakapag-allot ng P229.7 bilyon at nasa P25.22 bilyon noong 2022 sa ilalim ng continuing appropriations (CONAP).


Mula sa budget na ito, mayroong unobligated allotment na P20.88 bilyon, obligation rate na 92 porsyento, at disbursement rate na 80 porsyento.


Gayundin, nitong Marso 31, 2024, ang kabuuang allotment ng DOH ay P256.01 bilyon, habang mula sa halagang ito, P58.64 bilyon o 23 porsyento ang naobliga at P31.28 bilyon o 53 porsyento ang nabayaran o na-disburse.


Siniguro rin ng opisyal sa appropriations panel na ang hindi nagamit na pondo ay kanilang ilalaan para sa COVID FLiRT vaccines at sa iba pang health response program ng ating gobyerno.


Mabuti at mayroong nakalaang pondo ang kinauukulan para pambili ng mga gamot na maaari nating gamitin para labanan ang bagong COVID-19 variants.


Kahit pa sabihin na sa ngayon ang mga naitatalang kaso ng COVID FLiRT, batay sa kagawaran na mild lamang, ay sapat ang ating budget para tugunan ang nasabing sakit.


Ito marahil ay dahil sa natuto na tayo sa mga nangyari noong kasagsagan ng COVID-19 na marami ang namatay at bumagsak nang husto ang ating ekonomiya.


Paalala lamang sa ating mga kababayan na bagama’t hindi tayo dapat mangamba sa naturang sakit patuloy na mag-ingat at sana ay boluntaryong magsuot ng facemask at ugaliin pa ring maghugas ng kamay.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page