PTV, pansamantalang isasara; empleyado nagpositibo sa test sa COVID-19
- BULGAR

- Jul 19, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 19, 2020

Pansamantalang off-the-air muna ng isang araw ang state-run People’s Television Network, matapos na isang empleyado ang nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19.
Sa isang advisory na nai-post sa Facebook page, ayon sa PTV management magsasagawa sila ng disinfection sa buong lugar “following a confirmed covid-19 case among its employees.”
Subalit, patuloy ang network na magbibigay ng balita at impormasyon sa pamamagitan ng social media platforms.
Babalik ang PTV network on-air sa Lunes, July 20, 2020.





Comments