top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

PS-DBM, sabit din sa overpriced na laptop

BULGAR
Aug 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 12, 2022


DEPED, HINAYAANG ANG MGA GURO NA MAG-PROVIDE NG SARILING LAPTOP, MAY BUDGET NAMAN PALANG P2.4-B—Umuusok sa galit ang mga guro sa mga dating opisyal ng Department of Education sa isyung ibinulgar ng Commission on Audit na naglabas umano ng P2.4 bilyon ang departamento bilang pondo na pambili ng mga laptop na gagamitin ng mga titser sa online class.


Aba'y magagalit talaga, lalo na 'yung mga gurong walang natanggap na laptop. Mantakin n'yo, malamang, karamihan sa kanila'y kumuha pa ng hulugang laptop, magamit lang sa online class, tapos 'yun pala'y may budget ang DepEd.


◘◘◘


PS-DBM, SABIT NA SA OVERPRICE NA LAPTOP, SABIT PA SA OVERPRICE NA FACE MASK AT FACE SHIELD—Sa pagbili ng DepEd ng mga overprice na laptop ay sabit na naman dito ang Procurement Service-Department of Budget and Management.


Kaya natin nasabing "sabit na naman", kasi sumabit na rin ang PS-DBM sa pagbili ng mga overprice na face mask at face shield worth P12-B sa Pharmally Pharmaceutical Inc., na ang pondong ipinambili sa mga medical supplies ay mula naman sa pondo sa Department of Health.


Kaya't ang tanong: Itinatag ba ang PS-DBM para i-scam ang kaban ng bayan?


◘◘◘


IISA KAYA ANG KATRANSAKSYON NG PS-DBM SA OVERPRICE NA LAPTOP, FACE MASK AT FACE SHIELD?—Dapat imbestigahan ng Senado ang panibagong anomalyang kinasasangkutan ng PS-DBM.


Baka sakali kasi na sa gagawing imbestigasyon ng Senado ay matuklasan, na ang mga katransaksyon ng PS-DBM sa kumpanyang binilhan nila ng mga overprice na laptop ay mga taong nasa likod din ng kumpanyang binilhan nila ng mga overprice na face mask at face shield.


◘◘◘


SA PANAHON NI COMM. YOGI RUIZ, MASAKOTE NA KAYA ANG TATLONG SMUGGLING QUEEN?—Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang raket na smuggling sa Customs ng tatlong tinaguriang smuggling queen na sina alyas Tina U, Kimberly at Big Mama.


Ang dami ng mga naging customs commissioner pero hindi nila nagawang dakpin ang tatlong smuggling queen, kaya't ang tanong: Sa panahon kaya ni Comm. Yogi Ruiz ay mabalitaan na nating nasakote ang tatlong smuggling queens?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page