top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PS-DBM, buking na sa sangkot sa P5.5-B school supplies na hindi nai-deliver sa mga iskul

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 28, 2021



SANA AY WALANG NANGYARING MASAMA KAY MISS MAGO KASI KAILANGAN SIYA NG PEOPLE OF THE PHILIPPINES PARA TUMESTIGO LABAN SA MGA NANGWALANGHIYA SA PERA NG BAYAN—Matapos ibulgar ni Krizle Grace Mago, empleyada ng Pharmally Corp. na expired ang mga medical face shield na pang-health workers na ibinenta nila sa Duterte gov’t. at magpahayag siya ng kahandaang maging testigo ng People of the Philippines kaugnay sa higit P13 bilyon pera ng bayan na in-scam ng PS-DBM (Procurement Service) at Pharmally na pag-aari ng mga dayuhang wanted sa Taiwan sa kasong fraud na may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang na BFF ni P-Duterte ay sinabi ni Sen. Richard Gordon, na hindi na nila makita at ma-contact si Mago.


Sana ay walang nangyaring masama sa kanya dahil kailangan siya ng bayan para tumestigo laban sa nangwalanghiya sa pera ng bayan sa gitna ng pandemya, period!


◘◘◘


HIRIT NI DIWA PARTYLIST CONG. AGLIPAY, OKS LANG GUMASTA NG BILYUN-BILYONG ANG DUTERTE GOV’T. NG KAGAMITANG EXPIRED BASTA HINDI NAKAMAMATAY—Todo-pagtatanggol si DIWA Partlylist Rep. Michael Aglipay sa nabulgar na mga expired na medical face na binili ng Duterte gov’t. sa Pharmally kasi ayon sa partylist congressman ay sinabi naman ng Department of Health na hindi namamatay ang mga health workers na pinagamit ng pamahalaan ng mga expired na medical face shield.


Parang sinabi na rin ni DIWA partylist Congressman Aglipay na okay lang gumastos ng bilyones na public funds ang Duterte gov’t. at bumili expired na kagamitan basta hindi ito nakamamatay, buwisit!


◘◘◘


HINDI PA TAPOS ANG IMBESTIGASYON SA P13-B IN-SCAM NG PS-DBM AT PHARMALLY, SABIT NA NAMAN ANG PS-DBM SA P5.5-B SCHOOL SUPPLIES NA HINDI NAI-DELIVER SA MGA ISKUL—Hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa nabulgar na P42 bilyon DOH funds na inilipat sa tanggapan ni Davao City lawyer, former PS-DBM Usec. Christopher Lloyd Lao, na ang P13-B dito ay na-scam, napunta sa Pharmally na ipinambili ng mga overpriced na face mask, face shield at PPEs ay may panibagong pasabog ang COA (Commission on Audit) at ito ay tungkol sa P5.53 bilyong DepEd funds na inilipat din sa PS-DBM last year pambili ng mga computers, text books at iba pang learning materials, pero hanggang ngayon ang kagamitang ito ay hindi pa naidi-deliver sa mga eskuwelahan.


Ang tindi ng korupsiyon sa Duterte gov’t. kasi hindi lang daan-daang milyon ang ini-scam sa kaban ng bayan, kundi bilyones, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


WALANG SINABI ANG COA NA MAY KORUPSIYON SA PS-DBM, MAHAL LANG DAW ANG BINILING MEDICAL SUPPLIES AT WALA PANG NAIDI-DELIVER NA SCHOOL SUPPLIES SA MGA ESKUWELAHAN—Balikan natin sinabi ni COA Chairman Michael Aguinaldo, na wala silang nasilip na korupsiyon sa PS-DBM kasi hindi nila mandatong alamin kung may korupsiyon sa tanggapan ng pamahalaan, trabaho na ito ng Ombudsman.


Kaya ‘yung DOH funds na napunta sa PS-DBM na ipinambili ng medical supplies sa Pharmally ay walang sinabi ang COA na may corruption diyan, mahal lang daw pagkakabili, at wala din sinabi ang COA na may korupsiyon sa pagbili ng mga school supplies, basta ang sabi lang ng COA na last year pa ay nasa PS-DBM na ang pera ng bayan, pero hanggang ngayon ay wala pang naidi-deliver na school supplies sa mga eskuwelahan.


Ngayon, kung may matalino kang pag-iisip, alam mo na ginawa ng PS-DBM sa DOH funds at DEPED funds, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page