top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Prudente Group tinulungan si P-BBM para sa "juicy position", hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 4, 2022


PUWESTO SA CUSTOMS, BIR AT LTO ANG KAPALIT NG TULONG NG PRUDENTE GROUP KAY P-BBM?—Putok ngayon sa Palasyo na ang ilan umanong nabigyan ng mga "juicy positions" sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO) ay pasok ng tinaguriang "Prudente Group" na ang pakilala ay malakas sila kay Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahil kabilang ang kanilang grupo sa nakatulong sa paglikom ng dagdag-pondo para sa kampanya ng pangulo.


Ganun pala 'yun, na ang kanilang tulong ay may kapalit — juicy positions sa Customs, BIR at LTO!


◘◘◘


DAPAT MAY DIGNIDAD AT HINDI KORAP ANG MGA NAKAPUWESTO SA CUSTOMS, BIR AT LTO—Ang Customs, BIR at LTO ay mga pangunahing ahensya ng pamahalaan na ang mandato ay may kinalaman sa koleksyon sa buwis kaya't dapat ang mga naitatalaga rito ay may dignidad ang pagkatao.


Paano kung ang ilan sa mga naitalaga sa mga ahensya ay kurakot? Nakupo, baka imbes na sa pamahalaan mapunta ang buwis ay sa bulsa pa ng mga buwaya.


◘◘◘


AKALA NATIN WALANG PALAKASAN SA MARCOS GOV'T. PERO, BAKIT IBINIBIDA NG 'PRUDENTE GROUP' NA MALAKAS SILA KAY PBBM?—Ang sabi noon ni P-BBM ay dadaan sa tamang proseso, magiging mabusisi ang kanyang pamahalaan sa pagpili ng mga taong mabibigyan ng posisyon sa pamahalaan at walang palakasan para magkapuwesto sa kanyang gobyerno.


Malinaw ang sabi ni P-BBM, walang palakasan sa mga mapapasok na posisyon sa Marcos administration, pero bakit parang sobrang lakas ng "Prudente Group" na maipasok ang kanilang tao sa mga sensitibong puwesto sa pamahalaan?


Kaya't ang tanong: Totoo bang malakas kay P-BBM ang "Prudente Group" o ginagamit lang nila ang pangalan ng pangulo para "swak" agad sa mga juicy positions ang kanilang tao?


◘◘◘


HINDI UUBRA KAY P-BBM ANG MGA NAGMA-MARITES LABAN KAY ES RODRIGUEZ—Usapan-usapan ngayon na pati ang posisyon ni Executive Secretary (ES) Vic Rodriguez ay target ng "Prudente Group" kaya't kung anu-anong mapanirang tsismis ang ginagawa ng mga ito sa Palasyo para sibakin ni P-BBM at ang maipalit ay "bata" nila.


Ang problema ng "Prudente Group" ay hindi nakikinig sa mga "Marites" si P-BBM, kaya hanggang ngayon nasa puwesto pa rin si ES Rodriguez.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page