top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Proud na proud sa mga nagawa niya…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
2 min read

VICE, NAPAHAGULGOL SA Most Influential Celebrity of the Decade AWARD

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 8, 2020




Napahagulgol si Vice Ganda sa natanggap na Most Influential Celebrity of the Decade award mula sa 10th Eduk Circle Awards. Nagkaroon ng online awarding ang nasabing award-giving body last Dec. 5.


Matapos matanggap ang award ay nag-live streaming si Vice Ganda para magpasalamat. Namumugto pa ang mata ng TV host-comedian dahil aniya ay katatapos lang niyang umiyak.


“Alam mo ‘yun, hindi ko alam bakit ako naging sobrang emosyonal, naiyak ako nang grabe,” simula niya.


Taun-taon naman daw ay nakakatanggap siya ng award mula sa Eduk Circle pero parang mas espesyal lang this year because of so many reasons.


“Most Influential Celebrity of the Decade. Parang ang major lang ng 'of the decade.' Tapos, nag-flashback ‘yung ano, ‘yung mga pinagdaanan ko sa loob ng isang dekada. T…na, ang dami nu’n!


“Tapos, hindi ko mawari na nalampasan ko lahat ‘yun,” sey niya.


Bukod dito, sobrang tindi rin daw kasi ng 2020 kaya sobrang nakakatuwa na makatanggap ng award sa ganitong panahon ng pandemya.


“Ang lupit ng buong isang taon, tapos biglang may mga ganyang sorpresa kaya sobra kong naa-appreciate,” aniya.


Dagdag pa niya, sa dami ng natanggap niyang award, sobrang special daw sa kanya ng award na ito.


“Iba ‘yung ano, iba. Ang sarap na sa ganitong panahon, eh, may natatanggap kang ganyang regalo. Saka parang nakaka-proud lang. Na-proud ako sa sarili ko bigla. Na sa loob ng 10 taon, ng isang dekada, ang dami kong pinagdaanan, tapos lahat ‘yun, nalampasan ko.


“And it made me think na kung ang lahat ng ‘yun, ang dami, nalampasan ko nang buong dekada, ito pa ba ang hindi ko malalampasan, ‘yung mga nangyayari ngayong taon? So, kaya pa, kaya ng isa pang dekada ulit or dalawa pang dekada or maraming-maraming dekada pa,” emosyonal pa rin niyang pahayag.


Bukod kay Vice ay tumanggap din ng nasabing award sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis, Coco Martin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Sarah Geronimo, Alden Richards at Maine Mendoza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page