top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Proud na proud sa BF… JANINE, IPINAGSIGAWANG SUPER LUCKY KAY ECHO

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 6, 2026



BIDA - JANINE, IPINAGSIGAWANG SUPER LUCKY KAY ECHO_IG _janinegutierrez

Photo: IG _janinegutierrez



Ang sweet ng message ni Jericho Rosales sa girlfriend na si Janine Gutierrez na birthday noong October 2.


Post niya, “She’s 90% love and 10% gigil. Easily one of the most amazing women on the planet. Give this birthday girl some love! Hugs and kisses to the baba.”

Sagot ni Janine, “I love you, babuu!!! I’m so lucky.”


Matatandaang sa birthday ni Jericho, si Janine ang nag-organize ng party at naging masaya ang aktor. Imbitado ang mga kaibigan nito at nabasa namin ang pasasalamat ni Echo kay Janine.





OGIE AT REGINE, IDINAMAY NA RIN SA ISYU NINA PATRICK AT JENNYLYN



Nakakatawa ang mga fans, hindi binabasa nang maigi kung sino ang may mga isyu at pinag-uusapan. Basta makapag-comment lang, comment nang comment.


Noong una, si Dennis Trillo, napagkamalang si Dennis Padilla at inakusahan ang mister ni Jennylyn Mercado na hindi sinusuportahan ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon. Nang may mag-call ng kanyang attention, hindi man lang nag-sorry ang netizen.


Nitong huli, si Ogie Alcasid naman ang napagkamalang si Ogie Diaz. 

Comment ng netizen, “Ikaw ang may pasimuno sa lahat ng ‘to @ogiealcasid kung ‘di mo in-interview si Patrick, eh, di sana, ‘di nadamay ang asawa mong si @reginevelasquez dahil sa comment ni @gellidebelen.”


Comment na lang ni Ogie, “Ahhh.” 

Wala na siyang ibang nasabi, although mas maganda sana kung nag-punchline ito.

Speaking of Ogie, ang kanyang musical ang sunod na ipo-produce ng Viva Films at Newport Resorts. Nakipag-meeting na ang mister ni Regine kina Vic del Rosario at Baby Gil at nabanggit na rin ito ni Boss Vic, kaya sigurado na.


Dahil October na ngayon, malamang, next year na ang musical ni Ogie kung saan mga komposisyon niya ang gagamitin sa buong musical. Nabanggit din ni Boss Vic na gagawin at ipo-produce rin nila ang musical ni Regine Velasquez at next year din ito.


Siguradong masaya at excited ang mga fans ng mag-asawa sa balitang ito dahil mapapakinggan na nila sa isang musical ang mga komposisyon ni Ogie, pati na ang mga kanta ni Regine.





DAHIL sa sobrang ganda ni Marian Rivera sa profile picture niya sa Instagram (IG), na-tag na AI-generated (artificial intelligence) ito. 

“Whahahaha, kaloka!” na lang ang naging reaction ng aktres.


Speaking of Marian, nadagdagan na naman ang trophy niya dahil sa natanggap mula sa Dekada Awards ng MMPRESS.


Caption niya sa post, “Still on a high from last night. So grateful to receive the Best Actress award for Balota at the Dekada Awards 2026. Every recognition for this film reminds me why I continue to love what I do—telling stories that matter and giving my heart to every character I portray.


“Maraming salamat sa Multi-Media Press Society of the Philippines for this honor, and to everyone behind Balota who made this journey so meaningful. This one is for all of us.”


Nang ma-interview ang aktres after tanggapin ang trophy, ibinalitang tapos na ang shooting nila ni Dingdong Dantes sa movie nilang Remember. Excited na siyang mapanood ang nasabing movie at alam niyang magugustuhan ito ng mga moviegoers.

Ibinalita rin niyang ipo-promote nila ito ni Dong sa ibang bansa at ise-segue na nila sa bakasyon. 


Sa November na ang showing ng movie na inaabangan na ng marami.





IN-ANNOUNCE na sa 24-Oras kagabi ang pagpasok ni Michael Sager bilang host sa Pinoy Big Brother Collab Edition 3.0 (PBBCE). Siya nga ang pumalit kay Mavy Legaspi at siya ang makakasama ni Alexa Ilacad.


“I’m happy to share my experience and journey ko sa PBB. I’m here to learn,” sabi nito.

Ang daming projects ni Michael dahil bukod sa PBBCE, may Born to Shine pa siya at may series sa Viu Philippines kasama sina AZ Martinez at Ralph de Leon na The Way Back to You.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page