Proud na proud sa anak nila ni Coney… VIC, GUSTONG MAGING TULAD NI VICO ANG NEXT PRESIDENT NG ‘PINAS
- BULGAR

- Jun 5, 2025
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 5, 20255
Photo: VIc at Vico Sotto - IG
Nakapanayam ng ilang kasamahang entertainment press ang Eat… Bulaga! host na si Vic Sotto at nahingan ito ng reaksiyon sa muling pagkapanalo ng anak na si Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City.
“Hmmm… I’m very proud of him and thankful lalo na sa mga Pasigueño dahil hindi sila nagpadala sa kung anu-anong mga kababalaghan,” natatawang sabi ni Bossing Vic.
When asked naman kung nakikita ba niyang tatakbo si Mayor Vico sa mas mataas na posisyon, sagot ni Bossing, “It’s up to him. Ang desisyon, nasa kanya.”
Ipinaliwanag din ng TV host-actor kung bakit nu’ng simula ng kampanya ay tinawag niyang “the next president” ang anak nila ni Ms. Coney Reyes.
“‘Yung binitawan kong next president, alam naman natin na hindi siya puwede dahil underage. Pero I have a deeper meaning nu’ng sinabi ko ‘yun. Ang gusto ko lang namang ipaabot sa mga nakikinig, next president sana ay katulad niya na may prinsipyo, may paninindigan, may political will na good governance talaga. ‘Yung totoong good governance, hindi ‘yung kuwentu-kuwentuhan lang na good governance.
“‘Yun lang ‘yung ibig kong sabihin nu’n, na sana, ‘yung next president natin is someone like him,” pagmamalaki pa ni Bossing Vic sa anak na mayor.
Sa tanong kung ano’ng feeling niya bilang ama na si Mayor Vico ang standard ng mabuting pamumuno, hirit uli ng TV host, “Eh, dapat lang. Hindi naman sa pagmamayabang pero matindi ‘yung napatunayan niya sa Pasig, eh. Na kung gugustuhin ng ating mga leaders na talagang sugpuin ang korupsiyon ay kaya.
“Kailangan lang talaga na maninindigan ka. Kailangan talagang mataas ang prinsipyo mo pagdating sa mabuting pamamahala,” diin pa ni Bossing Vic Sotto.
Agree! Kaya binabati namin hindi lang si Mayor Vico kundi maging sina Bossing Vic at Ms. Coney sa pagkakaroon ng anak na talagang maipagmamalaki nila.
OBYUS na super in love si Sue Ramirez sa boyfriend na si Dominic Roque dahil puring-puri niya ito at very proud siyang ikinuwento sa press sa mediacon ng latest film niyang Lasting Moments with JM de Guzman na showing na sa July 30, 2025 ang mga good qualities ng ex-fiancé ni Bea Alonzo.
Ani Sue, wala naman silang itinatago ni Dominic at masayang-masaya sila sa relasyon nila ngayon.
Nang matanong kung ano’ng nagustuhan niya kay Dominic, pag-amin ni Sue, “I love the way he takes care of me. Parang I’ve never been taken cared of like this. Iba talaga, nakaka-babae! Sobrang bait talaga ni Dominic, he makes me laugh, sobrang sweet niya pati sa mga friends ko.”
Naa-appreciate rin daw ni Sue ang pagiging family-oriented ni Dominic na bihira na raw sa mga lalaki ngayon.
Ikinatutuwa rin ng aktres na naglalaan din ito ng time para sa pamilya niya. Minsan nga raw, nag-lunch sila kasama ang kanyang mom na senior na at todo-alalay at asikaso raw dito si Dominic.
“He loves his family. He’s God-fearing,” pagse-share pa ni Sue tungkol sa BF.
Natanong si Sue kung handa na bang magpakasal at aniya, sa edad niyang 28 ay hindi pa siya ready at marami pa raw siyang gustong gawin sa kanyang career at ma-achieve in life, pero kung darating naman daw ang alok ni Dominic, okay lang.
Well, ang sure kami, maraming nag-aabang kung sino kaya kina Dominic at Bea ang unang magpapakasal sa kani-kanilang partner ngayon.
HINDI naman daw actually pinalitan si Piolo Pascual bilang first endorser ng My Daily Collagen kundi gusto lang ng kumpanya ni Ms. Anna Perez na magdagdag ng ambassador para mas lumawak pa ang market ng kanilang health products.
Kaya naman, nakipag-collaborate sila sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. at kinuhang ambassadress ang 36 candidates ng Bb. Pilipinas 2025 para mas maipakita sa lahat ang magandang epekto ng My Daily Collagen sa katawan at skin ng magagandang kandidata.
Ayon kay Ms. Anna Perez, president ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”
Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili. Sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”
Kuwento naman ni Mr. Oliver Salas, chief sales officer ng brand, may mga dating Bb. Pilipinas queens na rin talagang gumagamit ng My Daily Collagen, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers.
“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands, pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” ani Salas.
Sa ginanap na mediacon ng Bb. Pilipinas 2025 candidates kasabay ng launching nila as endorsers ng My Daily Collagen, humanga ang entertainment press sa very impressive credentials ng mga kandidata dahil merong architect, engineer, teacher, businesswoman, artista, at meron pang super genius na 160 plus ang IQ! Grabe, ‘di ba?!
At kung ganda ng mukha at katawan ang pag-uusapan, matindi rin ang magiging labanan nila at mukhang mahihirapan ang mga judges.
Eh, malamang, dahil lahat sila ay umiinom ng My Daily Collagen araw-araw, kaya sabi nga, walang maiiwan, pantay-pantay ang glow ng kanilang skin at aura.






Comments