Proud na proud na napili ni PBBM… SOFRONIO, NAG-ACAPELLA NG LUPANG HINIRANG SA SONA
- BULGAR

- Jul 29, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 29, 2025
Photo: Sofronio Vasquez - IG
Si Sofronio Vasquez ang kumanta ng national anthem kahapon sa 4th SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
"It’s an honor," ani Sofronio sa isang panayam.
Ayon sa The Voice USA Season 26 champion, "Personally and professionally, it's a great honor. Nakadagdag siya ng aking self-esteem and recognition and worth as a performer and as a professional singer."
Sabi pa ng first-ever Filipino winner ng The Voice USA, overwhelmed at excited siya nang matanggap ang imbitasyon na siya ang napiling umawit ng national anthem.
“For a very specific and very important matter,” at ‘yun nga ay ang SONA 2025.
"It was an honor to sing in front of the President and the millions of Filipinos who will tune in live."
Agad na bumiyahe si Vasquez sa bansa mula United States kung saan na siya naka-based.
Ang Lupang Hinirang para sa kanya ay, “Kahit saan ka magpunta, you always come back to your chosen land.
“Marami tayong pagkakaiba, we just have to make sure na magkakaisa tayo.”
"I think it’s a calling na we have to understand, to just be particular of our emotions. We have to respect, we have to understand, and of course just share the simplicity of the Filipinos because Filipinos are very simple but very hardworking, ambitious.”
Kinanta ni Sofronio nang acapella ang Lupang Hinirang.
Aniya, “When you sing it from the heart and when you get to honor the country, God, the people that’s going to be listening, I think it’s challenging but it’s gonna be worthwhile.”
MABENTANG-MABENTA sina Daniel Padilla at Maris Racal sa London. Sila ang isinisigaw na pangalan sa napakaraming crowd.
May gusto pa ngang gawing love team ang dalawa pamalit sa KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).
Angkop naman din daw sila bilang MarisNiel.
Sana raw, gawan agad ng Kapamilya ng project sina DJ at Maris. Nakakatiyak daw silang papatok ang tambalang ito ng dalawa.
Kayang-kaya raw makipagsabayan ng aktres sa aktor dahil may sarili siyang angst kung papaano mag-handle ng love team, gayun din naman daw si DJ.
"May asim pa ang idol naming si DJ, puwede silang partner in crime ni Maris. Swak silang dalawa," ani ng diehard fan ni Daniel.
May nagtanong naman, "Eh, paano naman si Anthony Jennings? Ang original ka-love team ni Maris?"
Well, puwede namang ituloy ni Maris ang love team nila ni Anthony kahit may nabuo silang love team ni Daniel.
Si Maris lang ang makakapagsabi kung sino talaga ang mas gusto niyang maka-love team.
Remember, hot actress si Maris ngayon, puwede na siyang i-level-up kay Kathryn at mas mahusay siyang aktres kesa sa una.
‘Yun na!






Comments