top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Proud na proud, lahat ng comments sa post, sinasagot… SHARON, TODO-DENY NA GUMAMIT NG GAMOT PARA SA DIABETIC KAYA PUMAYAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 2, 2025




Marami pa rin ang nagko-congratulate kay Sharon Cuneta sa Day 2 mula nang i-post ang photo niya na payat na siya. Kabilang dito sina Coney Reyes, Jackielou Blanco, Ara Mina, Arlene Muhlach, Ruffa Gutierrez, Sherilyn Tan, Yasmien Kurdi atbp..


Ang mga nagko-comment na trying to lose some unwanted weight, sinasabihan ni Sharon na kaya nitong pumayat gaya niya. In the mood si Mega na sagutin ang mga nagko-comment at ibig sabihin, masaya talaga siya sa kanyang pagpayat na matagal niyang kinarir.


“Ugly extra weight,” ang tawag ni Sharon sa unwanted weight at sabi nito, hindi pa siya tapos at hindi pa yata naa-achieve ang kanyang ideal weight.


Sa susunod nito, hihingian na siya ng kanyang diet at gagayahin pati ang mga ginawa para pumayat.


Sa nag-comment na nakakagutom ang mag-diet, ang sagot ni Sharon, “Ako rin hangry na! Hungry-angry.” 


Sa nag-wish naman na sana, magkaroon sila ng movie ni Anne Curtis, sagot ni Sharon, “Yes! Promise ni Boss Vic ‘yan sa ‘min. ‘Yun hanggang promise na lang yata, waaah!!!”


May nag-comment na dream niyang magkaroon ng photoshoot sina Sharon at KC Concepcion suot ang Avec Moi Jewelry na design ni KC. Sabi ni Sharon, “Been waiting for my set from her for so long na! I bought a set to show her I believe in her! Busy pa my baby.”

May nag-comment naman ng “Thank you, Ozempic,” na sinagot ni Sharon ng “Nope, never had it.”


Pinalabas ng nag-comment na gumamit ng Ozempic si Sharon para pumayat na itinanggi nito. 


Sa nabasa namin, injection for Type 2 Diabetes ang gamot, pero may mga gumagamit para pumayat, bagay na itinanggi ni Mega.



Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Friday, nilinaw ni Priscilla Meirelles ang status ng relasyon nila ng asawang si John Estrada. 


Sa sinabi nitong “Legally, we’re still married,” fake news ang balitang hiwalay na sila.


Hindi nga lang sinagot ni Priscilla ang tanong ni Boy Abunda kung magkasama pa sila sa bahay. Pero, sa mga Instagram (IG) posts nito, parang nasa bahay pa rin nila ni John si Priscilla.


Binanggit ni Priscilla na she is at peace, masaya at nagpo-focus sa kanyang sarili.


“I’m investing time on myself health-wise, you know, physical health, mental health. I have a wonderful relationship with my daughter, and whatever happens in terms of what my status is right now, all I can say is that technically, I’m still married.”


Tanong uli ni Boy kung ipinaglalaban ba niya ang kanyang marriage, sagot niya, “I’m in a point in my life that ipinaglalaban ko ‘yung sarili ko.” Dagdag pa ni Priscilla, ang importante sa kanya ngayon ay ang happiness niya at peace of mind.


Aniya, “I went back to loving myself, which was lost for many years. And I’m not blaming anyone, it’s basically my fault that I got to a point where I was not loving myself anymore. 

“So today, I can say that, oh, my gosh, I have so much love because I love myself first. Of course, God, me, and then I have so much love to share.”



GUEST sa Monday episode ng Family Feud (FF) ang Kapamilya hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) na sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez. Si Gabbi Garcia lang ang Kapuso host ng PBB na kanilang makakasama sa nasabing episode na simula ng third anniversary presentation ng FF.


Nag-taping na ang apat at excited sina Robi, Melai at Bianca sa first guesting nila sa FF


“First time naming maging part of the show,” wika nina Robi at Bianca, at si Melai ay lyrics pa ng isang song ang isinagot.


Inulit naman ni Gabbi ang nasabi na grateful siya to be part of PBB na collab ng ABS-CBN at GMA. History daw ito at nakasama siya, kaya masayang-masaya siya, lalo na’t makakasama niya ang grupo nina Robi.


Isa pang nagpapa-excite sa mga hosts ay ang i-announce ang Kapamilya at Kapuso housemates. Excited din silang makilala at subaybayan ang buhay ng mga ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page