top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Proud na DDS kahit naba-bash pa… AIKO, DREAM GUMANAP NA VP SARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 55 minutes ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 27, 2026



Proud na DDS kahit naba-bash pa… AIKO, DREAM GUMANAP NA VP SARA

Photo: IG @aikomelendez



Pangarap daw ni Aiko Melendez na gumanap bilang Vice-President (VP) Sara Duterte sa biopic na ipo-produce ng kanyang BF na si Onemig Bondoc. 


May umiikot na balita sa social media na diumano’y ganoon ka-diehard na DDS (Diehard Duterte Supporter) ang konsehala, maging si Onemig ay maka-DDS din. 


Kaya naman, may mga nagtatanong kung ito rin ba ang dahilan kung bakit kumalas si Aiko sa poder ng kanyang long-time manager na si Ogie Diaz. Magkaiba kasi sila ng political color — ‘Pinklawan’ (Leni Robredo supporter) kasi si Ogie.


Bagama’t karapatan naman ni Aiko na suportahan kung sino ang gusto niyang mamuno ng bansa, maraming fans ang dismayado ngayon sa kanya. May ilang kaibigang artista rin ang nagtataka kung bakit ganoon na lang ka-loyal si Aiko kay VP Sara.


Preparasyon ba ito ng aktres-pulitiko para sa election 2028? Tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon sa Kyusi?





MAY mga Vilmanians na natutuwa, pero nagtataka kung bakit after 46 years ay binalikan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang dati nilang bahay noon sa Magallanes, Makati.


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni Gov. Vi, maraming masasayang memories dito ang Star for All Seasons. Dito siya pinupuntahan noon ng kanyang mga fans na galing pa sa iba’t ibang probinsiya.


Noong 1979, iniwan ni Gov. Vi. ang Magallanes. Akala ng marami ay ibinenta na niya ang nasabing property kaya nagulat ang lahat nang makita ang post niya sa social media na ipinapa-bless ang bahay sa Magallanes, na mukhang bago na at ipina-renovate.


Well, dito siguro balak ni Gov. Vi. na tumuloy kapag wala siyang trabaho sa Kapitolyo ng Batangas.


Natatandaan namin na isang simpleng bungalow lamang noon ang bahay niya sa Magallanes. At kahit malayo na ang kanyang narating ngayon sa showbiz at sa mundo ng pulitika, bahagi pa rin ng kanyang buhay ang dati niyang tahanan.





Love team, nagklik sa madlang pipol…

RYZZA MAE, NA-TOTAL MAKEOVER BUMAGAY LANG KAY BIMBY



NAGKAROON ng malaking publicity si Ryzza Mae Dizon dahil sa naging isyu sa joke ni Kim Chiu na ginawang katatawanan sa It’s Showtime! (IS) na kamukha niya si Jugs Jugueta nang gumanap na ‘Lotus Feet’ para sa isang segment. 


Marami ang nakisimpatya sa kanya at sunud-sunod ang kanyang naging interviews.

Nasaktan man ay nanahimik na lang si Ryzza Mae.


Nang mag-celebrate siya ng kanyang kaarawan sa Eat… Bulaga! (EB!), nag-surprise guest si Bimby Aquino-Yap. Maraming viewers ang kinilig sa muling pagkikita nila.


Dati silang nagkasama sa pelikulang My Little Bossings (MLB), kaya naman mabilis na napansin ng mga viewers ang chemistry ng tambalang Ryzza Mae at Bimby.


Gustung-gusto sila ng mga loyal viewers dahil mistulang AlDub (Alden at ‘Yaya Dub’ Maine Mendoza) ang kanilang karisma. Kaya naman, naging guest co-host si Bimby sa EB!.


At dahil daw sa tandem nila, bigla rin ang naging pagbabago sa awra ni Ryzza Mae, nagkaroon siya ng total makeover upang bumagay sa anak ni Kris Aquino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page