top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Protocols sa tamang handling ng COVID-19 vaccine, iwas-tapon at sayang

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 19, 2021



Pagdating ng mga bakuna sa bansa, dapat matiyak na ligtas itong matatanggap, maitatabi at maipamamahagi sa mga lokal na pamahalaan.


At ang mga lokal na pamahalaan naman ang responsable sa tamang paghawak ng mga ito hanggang sa maiturok sa mga residente.


Kaugnay nito, hinimok ng mga senador ang Department of Health (DOH) na bumuo ng malinaw na protocol kung paano iingatan ang bakuna pagdating sa local level.


Paliwanag ng isang mambabatas, makatutulong kung may checklist at briefer hinggil sa tamang paghawak ng bakuna mula sa pagbiyahe hanggang sa maiturok ito dahil mahalaga umanong matiyak ang kalidad ng bakuna at masunod ang deadline, pati na ang paglalabas ng mga ito mula sa freezer.


Matatandaang mahigit 7,000 AstraZeneca vaccines ang kinailangang bawiin dahil sa isyu sa handling ng LGUs.


Kung magkakaroon ng kapabayaan sa handling ng mga bakuna dahil sa kawalan ng malinaw na protocol, malamang na walang makikinabang nito. At sa halip na maiturok agad sa mga residente, baka panibagong problema pa ang dala nito.


Kaya naman dapat lang magkaroon ng maayos at malinaw na panuntunan pagdating sa pag-iingat ng mga bakuna. Sa totoo lang, hindi biro ang gastos ng gobyerno para rito kaya dapat lang na matiyak nating maitatabi ito nang maayos upang maiturok nang ligtas sa mamamayan.


Samantala, pakiusap sa mga kinauukulan, pakinggan ang suhestiyong ito ng ating mambabatas. Sa pagkakataong ito, dapat nating matiyak na naiingatan ang bawat bakunang natatanggap natin. Hindi ‘yung pagkatanggap, kani-kanya na ang LGUs at kapag may nagpabaya, sayang ang bakuna.


At habang patuloy ang pagdating at pamamahagi ng mga bakuna, pakiusap natin sa lahat — nasyonal o lokal na pamahalaan man — maging responsable tayo sa lahat ng hakbang para sa kaligtasan ng ating mamamayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page