top of page
Search
  • BULGAR

Proteksyon para sa mga bata laban sa sexual abuse, dagdagan pa

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 10, 2022


Sa wakas, batas na ang panukalang itaas ang age of consent sa 16 mula 12.

Nitong nakaraang Lunes ay inilabas ng Malacañang ang pirmadong kopya ng Republic Act No. 116481.


Tinataas ng RA No. 116481 ang age of sexual consent mula 12, na kasalukuyang pinakamababa sa Southeast Asia at isa sa pinakamababa sa mundo, sa 16. Inaamyendahan nito ang RA No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.


☻☻☻


Mahalagang batas ito sapagkat dinaragdagan nito ang proteksyon ng mga bata mula sa sexual abuse.


Ang ibig sabihin kasi, kakasuhan ng statutory rape ang sino mang adult na mahuling may sexual activity kasama ang isang menor-de-edad na mas bata sa 16 taong gulang.

Samantala, exempted naman ang mga may consensual sexual relations sa mga menor-de-edad na 16 taong gulang pababa basta't hindi lalagpas sa 3 taon ang agwat ng kanilang edad.


Ngunit hindi kasama ang exemption na ito kung 13 taong gulang o mas mababa pa ang edad ng biktima.


☻☻☻


Mahalaga ang Age of Consent Law sa paglatag ng mas malakas na proteksyon kontra sa pag-abuso sa mga bata.


Maraming salamat sa lahat ng nag-alay ng oras nila para pag-aralan at isulong ang pagtaas ng age of consent.


Bagama't mahaba pa ang daan at marami pang kailangang gawin upang tuluyang makawala sa banta ng pang-aabuso ang kabataan, isang tagumpay ito para sa ating lahat.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page