top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Proteksyon ng mga bata vs. online sexual abuse, bilisan!

BULGAR
May 27, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 27, 2022


Sa gitna ng pamamayagpag ng internet, buhay na buhay din ang mga krimen.


Iba’t ibang scam at modus ang nauso, kabilang na rito ang pananamantala sa mga menor-de-edad sa pamamagitan ng pagbabahagi o pagpapakalat ng malalaswang larawan o video ng mga ito sa internet.


Kaugnay nito, inaasahang maisasabatas ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Act (OSAEC) na magpaparusa sa mga taong masasangkot sa pananamantala sa mga musmos gamit ang internet.


Ito ay matapos ratipikahan ng Senado at Kamara ang bicameral conference report sa pinag-isang bersyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.


Sakop ng batas ang tungkulin ng ilang pribadong sektor, partikular ang electronic service providers, internet intermediaries at financial intermediaries na i-block at ipreserba ang OSAEC materials na matatagpuan sa kanilang platform, gayundin ang kooperasyon sa mga kinauukulan.


Binigyang-diin ng ilang mambabatas na ang pamamayagpag ng internet, mobile apps, electronic payments, gayundin ang online games ang nakadagdag sa pagtaas ng kaso ng exploitation ng mga bata.


Gayundin, kadalasan umanong mga sangkot ay mga kaanak at kapitbahay ng biktima, habang ang iba naman ay sindikato.


Sa totoo lang, napapanahon ang pagpapatupad ng naturang batas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga kabataang nakararanas ng pang-aabuso.


At sa pamamagitan ng batas, hangad nating matuldukan na ang krimeng ito at mapanagot ang mga dapat managot. Hangad din natin ang kooperasyon ng mga pribadong sektor para sa proteksyon ng mga bata.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page