top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Proteksiyon ng konsiyumer laban sa financial fraudsters

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 23, 2021



PASAY CITY - Senator Win Gatchalian during a recent hearing at the Senate, 17 June 2021. With the filing of “Financial Products and Services Consumer Protection Act,” Senator Win Gatchalian said financial consumers should be protected from unethical and fraudulent schemes of some financial service providers and unscrupulous individuals by expanding the jurisdiction of government financial regulators. Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN


Hello, Bulgarians! Itinataguyod ni Senador Win Gatchalian ang ilang mga hakbang na magtataguyod ng kapakanan ng mga konsiyumer laban sa mga manggagantso at mapanlinlang na pamamaraan ng ilang financial service providers.


Kailangan aniyang magbalangkas ng mga panuntunan upang maprotektahan ang publiko sa mga namamantalang may pautang lalo na’t maraming nawalan ng trabaho noong nagsimulang pumutok ang pandemya.


“Lubhang nakababahala ang pagdami ng reklamo mula sa mga konsiyumer laban sa mga naglipanang nagpapautang sa online o loan sharks na lalo pang naging mapangahas ngayong may pandemya. Alam nilang hindi sila sakop ng financial regulators kaya kailangan ng mas epektibong mekanismo na tutugon sa mga makabagong pamamaraan ng mga mapagsamantala sa kapwa,” paliwanag ni Gatchalian sa paghahain ng Senate Bill No. 2287.


Sa kanyang inihaing SB No. 2287 o ang panukalang “Financial Products and Services Consumer Protection Act”, layon ng senador na palawakin pa ang hurisdiksyon ng mga government financial regulators upang masakop ang lahat ng klase ng inilalakong serbisyo at produkto ng mga tinatawag na financial service providers sa bansa.


Sa ilalim ng nasabing panukalang-batas, bibigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Insurance Commission (IC) at Cooperative Development Authority (CDA) na magsagawa ng mga kaukulang hakbang na layong lalong maprotektahan ang kapakanan ng publiko, tulad ng market conduct surveillance and examination, market monitoring, enforcement, provision of complaints handling mechanism, adjudication, at paggawa ng mga nararapat na panuntunan.


Paparusahan naman ang mga financial service providers na gumagamit ng mga mapang-abusong pamamaraan ng paniningil sa mga nangutang o bayarin, ayon sa Vice-Chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.


Napag-alaman ng senador na umabot sa kabuuang 15,015 ang mga reklamong natanggap ng

Consumer Empowerment Group ng BSP sa unang siyam na buwan noong nakaraang taon o mas mataas ng 63.3% sa bilang ng mga naitalang mga reklamo noong 2019 na umabot lamang sa 9,250.


Hindi pa kasama sa kabuuang bilang na ito ang mga hindi naidulog na reklamo ng ilang indibidwal o mga negosyante na mas ninais na lang na hindi gumawa ng hakbang dahil na rin sa kawalan ng tiwala kasunod ng kawalan ng aksiyon sa bahagi ng mga bangko at kinauukulan na nagpapatupad ng batas, sabi ni Gatchalian.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page