'Prostitution den' sa Pasay Pogo hub, ininspeksyon
- BULGAR

- Nov 10, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 10, 2023

Nag-inspeksyon ang mga senador ngayong Biyernes, ng isang Philippine offshore gaming operator (Pogo) firm dahil sa mga paratang na kaugnay ito sa iba't ibang krimen.
Partikular na akusado ang kumpanya sa mga aktibidad tulad ng prostitution, human trafficking, torture, kidnapping for ransom, at online scams.
Sina Senators Risa Hontiveros at Win Gatchalian ang nanguna sa inspeksyon ng Smart Web Technology Corporation — isang internet gaming licensee ng Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) sa Pasay City.
Pagkatapos ng inspeksyon, magsasagawa ng public hearing ang Senate committee on women, children, family relations, at gender equality na pinamumunuan ni Hontiveros.





Comments