top of page
Search
  • BULGAR

Progresibo at masaganang buhay ng Pinoy, saang parte ng ‘Pinas kaya ‘yan, aber?!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 28, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SURVEY NG OCTA NA KAUNTI NA LANG ANG MAHIRAP SA ‘PINAS, KINONTRA NG SWS -- Kinontra ng SWS ang survey ng OCTA na kaunti na lang daw ang mahirap sa Pilipinas, kasi sa survey ng SWS ay halos kalahati ng pamilyang Pinoy sa bansa ang nagsabi na sila ay mahirap.


Kumbaga, parang inanunsyo na rin ng SWS na huwag paniwalaan ang survey ng OCTA kasi fake survey ito, fake news ito, boom!


XXX


SAANG PARTE KAYA SA ‘PINAS ANG IBINIBIDA NI SPEAKER ROMUALDEZ NA PROGRESIBO AT MASAGANA NA BUHAY NG PINOY? -- Inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez na napansin na raw ng mundo ang progreso ng Pilipinas at kasaganahan sa buhay ng mga Pinoy kaya’t asahan daw na dadagsain ng mga foreign investor ang ‘Pinas.


Aba teka, saang parte kaya ng Pilipinas iyang ibinibida ni Speaker Romualdez na progresibo at masagana na ang buhay ng mga Pinoy, kasi sa totoo lang parami nang parami ang naghihirap na mamamayan, at ang tanging umaasenso lang ang pamumuhay ay iyong mga trapo (traditional politicians) na may political dynasty at mga pork barrel politicians, period!


XXX


KUNG ‘DI TITIGIL SI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGPAPAPOGI POINTS KAY PBBM MAG-APPLY NA LANG SIYANG SPOKESMAN NG PRESIDENTE -- Sabi pa ni Speaker Romualdez, mahigit $100 billion investment daw mula sa Amerika at Japan ang nakopo ni PBBM.


Kung totoo ‘yan ay dapat pangalanan ni Speaker Romualdez ang mga kumpanya mula sa Amerika at Japan na sinasabi niyang mag-i-invest ng ganyan kalaking halaga sa ‘Pinas, pero kung wala siyang mailalabas na name ng mga kumpanya, mainam na tumahimik na lang siya kasi bad sa isang House speaker na nag-aanunsyo ng fake news.


Pero, kung hindi siya titigil sa pagngangakngak para sa mga “pogi points” kay PBB, mainam na mag-resign na siya sa Kamara at mag-apply bilang spokesman ng presidente kasi kinahihiligan na niyang mamboladas sa publiko, boom!


XXX


RPMD SURVEY FOUNDATION, ANTI-DUTERTE? -- Sa inilabas na survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RP-MD) patungkol sa top 5 most effective cabinet officials ay nag-top o number 1 si Sec. Benhur Abalos ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG), pangalawa si Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), pangatlo si Sec. Christina Garcia-Frasco ng Dept. of Tourism (DOT), pang-apat si Sec. Amenah Pangandaman ng Dept, of Budget and Management (DBM) at panlima si Sec. Boying Remulla ng Dept. of Justice (DOJ).


Hindi kaya itong RPMD survey foundation na ito ay anti-Duterte, kasi hindi nasama sa top 5 si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na siyang kalihim ng Dept. of Education (DepEd), gayong sa mga survey ng ibang survey firms ay laging top si VP Sara, maging sa 2028 presidential survey siya ang top, tapos sa survey ng RPMD, laglag ang VP-DepEd sec., tsk!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page