top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Problema sa ilegal na droga, dapat matutukan ng bagong PNP Chief

  • BULGAR
  • May 30, 2021
  • 2 min read

Updated: May 31, 2021

ni Fr. Robert Reyes - @Kapaayapaan| May 30, 2021


Mayroon na namang bagong panukalang-batas na naglalayong dagdagan ang curriculum ng K-to-12, mula Grade 7 hanggang Grade 12 ng “Drug Abuse Prevention Program” o Senate Bill No. 2236. Merong limang nilalaman ang programa:


  1. Adverse effects of abuse and misuse of dangerous drugs (masasamang epekto ng pag-gamit ng ipinagbabawal na droga

  2. Preventive measures (pamamaraan ng pag-iwas sa ilegal na droga)

  3. Health, socio-cultural, psychological, legal, and economic dimensions of the drug problem (iba’t ibang aspeto ng ilegal na droga, i.e. pang-kalusugan, panlipunan at kultura, sikolohikal, legal at pang-kabuhayan)

  4. Available services for treatment and rehabilitation (programang panggamot at rehab)

  5. Misconceptions on the use of dangerous drugs (maling impormasyon hinggil sa ipinagbabawal na gamot)


Walang problema sa mga ito, ngunit bakit ngayon lang ito inilabas? Malinaw na ang problema sa ilegal na droga ay tinitingnan bilang problemang pangkalusugan, medical at mental — at hindi kriminal.


Sa simula pa lamang ng kasalukuyang administrasyon, malinaw ang pagbibigay-diin nito sa problema ng ilegal na droga bilang problemang legal at kriminal. Ilang ulit na iginiit ng maraming sektor — mula sa mga dalubhasa, simbahan, doktor (psychiatrist, neurologist, psychologist, psychotherapist, atbp).


Kaugnay nito, nagkaroon ng malalaking rehab centers sa bansa, ngunit ang higit na pinairal ay Oplan Tokhang.


At dahil kriminal at hindi taong may sakit at nangangailangan ng tulong at kalinga ang tingin sa mga user, nagtutulak at sangkot sa iba’t ibang paraan sa droga, napakaraming inosenteng biktima, tulad ni Kian delos Santos.


Karamihan ng mga biktima ng tokhang ay maliliit at maralita. Sila lang ba ang may problema sa ilegal na droga?


Samantala, meron tayong bagong PNP Chief sa katauhan ni General Guillermo Eleazar. Sana ay makita ng bagong lider ng kapulisan ang kabuuang problema ng ilegal na droga na hindi lang ang ‘user-pusher’, kundi ang buong institusyon ng katarungan mula pulis hanggang mga korte, hanggang sa mga piitan, at iba’t ibang sektor at institusyon, tulad ng media ay sangkot.

Bakit hindi na masyadong naibabalita ang mga kasong Extra-Judicial Killings?


Bakit hindi nalulutas ang problema ng ilegal na droga? Hindi ba’t ang sagot dito ay nahahawig din sa sagot sa tanong, bakit tumataas ang mga kaso ng COVID-19 at hindi tulad ng ibang bansang halos nagapi na ang pandemya, patuloy pa rin tayong gumagapang sa paglaban sa salot na ito?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page