top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Problema sa basura, bitbit hanggang Bagong Taon

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2024
1 min read

@Editorial | January 3, 2024


Gusto sana nating salubungin nang positibo at magaan ang Bagong Taon gayunman, sadyang may mga bagay o problema na sumasama pa rin sa pagtawid ng taon.


Ang tinutukoy natin ay ang nakadidismayang tambak ng mga basura na naiwan matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.


Kitang-kita ang tambak at nagkalat na mga basura sa kalye. Karamihan ay mga basura na mula sa mga paputok, mga plastic at supot ng mga pinagkainan.Nakalulungkot ang ganitong senaryo tuwing sinasalubong ang unang araw ng taon na kasabay pa ng “Zero Waste Month”.


Taun-taon naman ang panawagan sa lahat na maging responsable sa basura. Kawawa ang kalikasan na sa huli ay alam naman nating babalik din sa atin.


Kaya kahit nakakasawa at nakakapagod na, talagang kailangang kalampagin ang publiko ganundin ang mga otoridad. Walang ibang tamang panahon para igiit ang isyu kundi ngayon. Kung hindi kayang maging disiplinado ng iba, dapat nang ipataw ang mas mabigat na parusa o multa.


Huwag na nating hintayin na mas lalo pang tumindi ang problema sa basura, matuto tayong mag-recycle.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page