top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Problema sa baha, 4 dekada na — PBBM... Ako lang ang umaksyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 3, 2026



Si Pangulong Bongbong Marcos at Sec. Vince Dizon - PBBM

Photo: FB / PCO


Matagal nang may flood control master plan ang bansa, ngunit ngayon lamang ito ipinapatupad ng pamahalaan.


Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos inspeksiyunin ang bumagsak na Aquino Bridge sa Brgy. Cut-cut 1 at Agana Bridge sa Brgy. Cariangan sa Tarlac City, na napinsala dahil sa matinding pagbaha at pag-ulan dulot ng habagat.


"We already have a master plan. It’s just never been executed. We are only executing it now. We have had a masterplan for decades, but walang ginawa. Hanggang ngayon lang. Ngayon lang natin sinisimulan," wika ni Marcos.


Ayon sa Palasyo, bahagi ng long-term solutions ng pamahalaan kaugnay sa paulit-ulit na pagbaha sa Central Luzon ang planong pagpapatayo ng limang dam sa Nueva Ecija at 100-kilometrong dike na aabot hanggang Pilar, Bataan.


Sinabi rin ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi mabagal ang pamahalaan sa pagtugon sa suliranin ng pagbaha dahil inaayos ng administrasyong Marcos ang mga problemang naipon sa loob ng halos apat na dekada.


“So, dapat nating ipabatid kasi mayroong ibang nais lang na sirain at maging issue itong pagbabaha; ginagamit nila laban sa administrasyon at hindi ipinapakita kung ano iyong naging trabaho na at naiayos at kung ano talaga iyong naitulong na lalong-lalo na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol dito sa issue,” pagtatapos niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page