Printing ng national IDs, pasok sa target ng PSA – OPS
ni Lolet Abania | August 25, 2022

Kumpiyansa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na kanilang maaabot ang target na pag-iimprenta ng 30.1 million national identification cards bago matapos ang taon, ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).
Nitong Agosto 23, ang PSA ay nakapag-transfer na ng 17.6 million physical national IDs sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) para sa delivery nito sa mga tirahan ng mga aplikante, batay sa news release ng OPS.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, tuluy-tuloy ang PSA sa progreso ng pagsasagawa nito para maabot ang end-year target ng 30.1 million physical national IDs.
Sinabi rin ng kalihim na sa huling mga araw, ang daily average ng physical cards na ipo-produce sa mga printing facilities ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nasa 103,000 kada araw.
“Note that the target number of IDs issued by the end of the year is 50 million, of which 30.1 million are physical IDs, and the balance of 19.9 million is digital/printable IDs,” pahayag ni Balisacan.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang national IDs ay maaaring makatulong sa pagtiyak ng mabilis na distribusyon ng assistance sa mga mahihirap at vulnerable sectors ng bansa.





Comments