Printing ng ballots para sa Barangay at Sangguniang Kabataan, start na sa Set. 19 – Comelec
ni Lolet Abania | September 18, 2022

Nakatakdang simulan ng Commission on Elections (Comelec) sa Lunes ang printing ng mga official ballots para sa December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang month-long schedule para sa printing job ay dapat umanong matapos sa Oktubre 20, habang hinihintay ang desisyon kaugnay sa panukala na i-postpone ang BSKE.
“‘Yun naman doon sa pagbili namin ng lahat ng mga kagamitan, unti-unti na naming nabibigay ang award niyan and therefore kapag na-deliver na sa atin, isa-isa na rin nating babayaran,” pahayag ni Garcia sa radio interview ngayong Linggo.
Una nang sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco nitong Biyernes na ang mga supplies na dapat na gamitin para sa 2022 BSKE ay hindi masasayang kung ma-postponed man ang eleksyon dahil aniya, maaari namang iimbak o store muna ng poll body ang mga materials at mga printed ballots, at saka gagamitin ang mga ito kapag ang eleksyon ay natuloy na rin.
Ang Senate bill na layong i-postpone ang BSKE sa ikalawang Lunes ng Disyembre 2023 ay nakakuha ng sponsorship sa Chamber nitong Miyerkules.
Samantala, inaprubahan naman ng House of Representatives, sa second reading nitong Martes, ang counterpart measure na layon din ang postponement ng BSKE ng isang taon.
Subalit, binigyang-diin pa rin ni Garcia na kakailanganin ng Comelec ng mas malaking budget kung ang BSKE ay made-delay uli, aniya, “the poll body’s proposed 2023 budget did not include a funding for the extra expenses resulting from the postponement.”
Ayon kay Garcia, kailangan ng Comelec ng P10 billion kapag ang BSKE ay ma-postpone na gagawing Mayo 2023, o P17 billion naman kung ito ay sa Disyembre 2023.





Comments