Pringle, lumalagablab, isa na lang, korona na!
ni Clyde Mariano @Sports | January 9, 2023

Isang panalo na lang ang kailangan ng Barangay Ginebra Kings para mapasakamay ng korona sa PBA Commissioner’s Cup at mabawi muli ang titulo na huling nilang hinawakan noong 2018 laban sa Bay Area Dragons kagabi sa Game 5, 101-91 sa MOA Arena.
Tatlong magkasunod na tres puntos ang itinarak ni Stanley Pringle sa 4th quarter para magawang lumayo sa iskor ng Kings. Galit at masama ang loob sa pagkatalo sa Game 4, 86-94, winasak ng Kings ang 2-all pinadapa ang Bay Area Dragons at lumapit sa isang hakbang tungo sa podium na pinanood nang 21,893 fans kasama si PBA Chairman Ricky Vargas.
Lalapatan ng finishing touches ang pormal nilang pag-akyat sa victory stand sa Miyerkules, Enero 11 sa Smart Araneta Coliseum. “I ask my players to play one more good game to win the crown and rest after four months gruelling battle on the court,” sabi ni coach Tim Cone.
Si Justin Brownlee ang nagsilbing Best Player of the Game. Target ni Cone kilala sa tawag “Dean of Filipino coaches” ang pang 26th PBA title mula 1994 kasama ang dalawang grandslam 1999 at 2014.
Kinontrol ng Barangay Ginebra ang first quarter sa 24 minutes na lamang ng 12 points, 52-40, sa tres ni Nards John Pinto sa pasa ni Brownlee tungo sa 54-43 half time lead.
Nagawa ng Kings na lumayo sa bench si Hayden Blankley naka-commit ng 4th foul kay Brownlee sa gitna ng second quarter at napilitang ilabas ni coach Brian Goorjian.
Si Brownlee ang pasimuno sa mainit ni opensa ng Kings na umiskor ng isang field goal at tres sa pasa ni LA Tenorio para sa 42-33 lead at umiskor si Tenorio ng tres sa 49-40 matapos magpalitan ng shots ang magkatunggali.
Tuluyan nang kinontrol ng Kings ang laro sa second half sa kabila nang bumalik si Blankley sa court na nagpahinga lang ng ilang minuto dahil sa apat na fouls. Lumamang ang crowd favorite sa 76-62, matapos ang third period at hindi na lumingon. Malaking kawalan ang hindi paglaro ni Andrew Nicholson sa Dragons. Ang ang 6-10 Canadian NBA veteran ay na-injured ang kaliwang paa.
Sinamantala ng Kings ang hindi niya paglaro at nakaupo sa bench ng guest team. Panay ang balasa ni Brian Goorjian sa kanyang players sa hangad na makuha ang panalo.
Subalit bigo ang American na makahulma ng epektibong formula kontra Kings.





Comments