Prime Minister ng Thailand, nagretiro na

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 13, 2023

Inanunsyo ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang kanyang tuluyang pagreretiro sa pulitika.
Hindi na nito binanggit ang kanyang dahilan sa pagbibitiw sa puwesto at bilang miyembro ng United Thai Nation Party.
Mananatili umano muna siyang caretaker premier hanggang makabuo sila ng bagong gobyerno.
Si Prayuth ay naging Prime Minister sa loob ng 9 na taon nang magtagumpay ang ginawa nitong kudeta bilang army chief.





Comments