top of page

Prime minister ng Slovakia, niratrat

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | May 16, 2024


Nakaalis na sa malubhang kondisyon ang Prime Minister ng Slovakia na si Robert Fico matapos itong mabaril sa isang assassination attempt habang papalabas mula sa isang pulong ng gobyerno nu'ng Miyerkules, ayon sa isang ministro ng gobyerno.


Niratrat ng gunman si Fico, 59-anyos, ng limang beses, na naging dahilan para maging kritikal ang lagay nito at sumailalim sa operasyon makalipas ang ilang oras matapos ang insidente.


Sinabi ng Slovak Deputy Prime Minister at Environment Minister na si Tomas Taraba na isang bala ang tumagos sa tiyan ni Fico at ang isa pa ang tumama sa kasukasuan.


Iniulat ng news outlet na ‘Aktuality.sk’, na ayon sa isang hindi pinangalanang source, si Fico ay natapos na sa operasyon at nasa stable na kondisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page