top of page

"Pricey at outdated" na laptop, tsikahan nina sir at ma'am

  • BULGAR
  • Aug 24, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 24, 2022


BALIK-ESKWELA na.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


MASAYA si Ma’am sa faculty room, dami siya ka-'Marites'.


Hindi maubos ang tsikahan.


◘◘◘


PINAKAMAINIT na tsika ang P24 bilyong laptop ng DepEd na “pricey and outdated”.


Ayon sa COA, umaabot sa P58,300 bawat isa gayung ang laman nito ay low-end processor lamang.


◘◘◘


PLANO sana ng DepEd ay bumili lamang ng laptop na halagang P35,046.50 na aabot sa 68,500 public school teachers ang mabibigyan.


Pero umabot sa mahigit P58-K bawat isang laptop kaya 39,583 guro lamang ang nabigyan.


◘◘◘


NALAGAY sa alanganin ang kredibilidad ng supplier na LDLA Marketing and Trading Inc.


Nilinaw ng LDLA at ng partner na Sunwest Construction and Development Corp. at VSTECS Philippines Inc. ay hindi “pinaboran” kundi sila ang talagang nanalo sa bidding ng kontrata “fair and square.”


◘◘◘


SA pagsasabing overpriced, hindi umano binigyang-halaga ng COA ang iba pang factors na nakakaapekto para sa final price sa bawat laptop.


Ayon pa sa LDLA, sila ay nag-o-offer ng software business solutions para alalayan ang management system ng isang eskwelahan.


◘◘◘


KABILANG umano sa mga naging brand partners ng LDLA ang Globe, PLDT, Microsoft, Dell, Epson, Samsung, Huawei, Fujitsu at Canon.


Sila rin umano ang preferred partner ng Dell Computers at naging kliyente nila ang Mindanao State University (MSU),DICT, DOTr, DENR, BoC, BI, Pagcor at NTC.


◘◘◘


MASASABING ang LDLA ay hindi naman isang kompanya na parang kabute lamang sumulpot sa bidding.


Pero ganun ba talaga kamahal ang kanilang laptop o sadyang marami lamang naki-markup pa along the way?


◘◘◘


MAHABA-HABANG usapan ito na nangangailangan ng matinding balitaktakan at paliwanagan.


Walang duda, enjoy si Ma’am at Sir sa dami ng isyu sa loob at labas ng iskul.


◘◘◘


TEKA, kasabay ng school opening ay pagbubukas din ng mga perya-perya kuno sa iba’t ibang lugar na kinukunsinte ng LGU, barangay at PNP.


Marami ring media at hao shiao ang umo-orbit.


◘◘◘


NAIS nating ipabatid sa mga peryante na ipaaresto ang sinumang gumagamit ng pangalan ng inyong abang lingkod at umoorbit sa peryante.


Kailanman ma'y hindi tayo bahagi ng modus ng media na umoorbit sa mga perya.


◘◘◘


MAY natanggap tayong impormasyon na alyas tangkad at iba pang haoshiao ang nagda-drop ng ating pangalan sa mga perya.


Puwede ninyong ireklamo sa pulis at ipaaresto.


◘◘◘


GINAGAWANG gatasang baka ng ilang opisyal ng gobyerno at taga-media ang perya dahil may aktwal na sugalan dito tulad ng popular na color game.


Delikado na mabuyo ang mga estudyanteng tila nakawala sa kural.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page