top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pribadong ospital at eskwelahan lang ang kumita ngayong panahon ng pandemya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 28, 2020



Ulan at lindol ang salubong sa 2021.


Dagundong at bendisyon!


◘◘◘


Walang linaw kung makarerekober ang mundo mula sa pandemic.


'Yan ang problemang wala pang solusyon!


◘◘◘


Bago matapos ang termino ni P-Digong, maglalaho na ang COVID-19.


'Yan ang dasal ni Mayor Sara!


◘◘◘


Nagkakamal ng salapi ang mga ospital at pribadong eskuwelahan.


Palaging puno ang bed capacity ng ospital at patong patong ang presyo.


Ang mga eskuwelahan, sarado ang gusali pero naniningil ng matrikula!


◘◘◘


Walang kongkretong aktibidad ang gobyerno kung paano masasaklolohan ang maliliit na negosyante at istambay na obrero.


Mas gagrabe ang krisis sa taong ito!


◘◘◘


Maraming nagtangkang magbukas muli ng negosyo, pero nagsipagsarado ulit.


Wala naman kasing customer dahil walang salapi ang mga tao!


◘◘◘


Marami nang pulitiko ang nangangampa.


Pero, kwidaw sila sa paglalabas ng badyet!


◘◘◘


Marami ang unexpected resulta sa election 2022 ang masasaksihan natin.


Bunga ito ng abnormal na sitwasyon ng lipunan!


◘◘◘


Walang maayos na disposisyon ang PNP.


Kailangan ni P-Digong ang mga opisyal na may disposisyon, karisma at kredibilidad!


◘◘◘


Tulala ang mga lider at namamalikmata ang mamamayan.


Paano na kaya matatapos ang 2021?


◘◘◘


Mapapasigla ang 2021 sa election spending.


Ibig sabihin, salapi pa rin ang mangingibabaw!


◘◘◘


Sa krisis, lalong gumagapang sa hirap ang mga nagdarahop .


Lalong yumayaman ang mga buwitre!


◘◘◘


Maraming malalaking negosyo ang titiklop.


Pero, maaaring may biglang lumitaw na biglang-yaman mula sa kawalan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page