top of page

Presyo ng tinapay, magtataas na rin, naku po!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 18, 2024


Humihirit na ng taas-presyo sa tinapay. Ayon sa mga commercial baker, ito ay dahil sa nagmamahal na mga sangkap.Tinatayang P2 hanggang P2.50 ang inihihirit na taas-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal. Ito ang murang alternatibo sa mga commercial bread na saklaw ng suggested retail prices (SRPs) bulletin ng Department of Trade and Industry (DTI).


Ayon sa Philippine Baking Industry Group (PhilBaking), inihahanda na nila ang ilang datos para isumite sa DTI.Ang kadalasan umanong dahilan ng hirit ng price hike sa tinapay ay ang mataas na presyo ng raw materials tulad ng harina.


Ayon naman sa DTI, kung anuman ang justification ng mga baker ay kanilang bine-verify gamit ang kanilang sariling market data.


Sa isang panayam sa presidente ng Panaderong Pilipino, sinabi naman nito na ang haba na ng panahon na naiwan ang presyo ng tinapay kaya dapat na umanong pagbigyan ng DTI.Reklamo naman ng ilang mamimili, bagama’t hindi tumaas ang presyo ng tinapay, kapansin-pansin na lumiit o nabawasan naman ang timbang nito.Nag-aalangan naman ang ibang bakery na magtaas ng presyo dahil baka lalo umanong hindi maibenta.


May mga nagtaas naman ng presyo kapalit ng mas pinalaki at pinabigat na tinapay.


Bukod sa kanin, tinapay ang itinuturing na panglaman-tiyan ng marami, kung magtataas-presyo, bagay na dapat din nating unawain, paano na?


Apela sa mga otoridad, mag-isip ng plano at solusyon kung paano makakasabay sa nagtataasang presyo ng raw materials para naman hindi malagay sa alanganin ang mga manufacturer na sapul din ang taumbayan.

 

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page