Presyo ng sardinas, tataas
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 12, 2026

Photo: File / BFAR
Nakatakda magtaas ng presyo ang ilang brand ng sardinas matapos magbigay ng go signal ang Department of Trade and Industry (DTI).
Kasunod ito ng kahilingan ng mga manufacturer na magpatupad ng price increase sa kanilang mga produkto bunsod na rin ng epekto sa kanilang produksiyon ng mataas na presyo ng petrolyo.
Agad namang nilinaw ni DTI Sec. Cristina Roque na ilang brand lamang ng sardinas ang tataas ngunit minimal lamang ito.
Sinabi ni Roque na hindi kasama sa magtataas ng presyo ng tinapay, canned meat, noodles at iba pa.





Comments