Presyo ng Noche Buena products, tumaas na — DTI
ni Lolet Abania | September 21, 2022

Ipinahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong Miyerkules na ilang mga produkto na pang-Noche Buena ang tumaas na ang presyo sa mga pamilihan, sa kabila ng mahigit tatlong buwan pa bago mag-Pasko.
Sa pag-iikot ng ahensiya, nasa P5 hanggang P65 ang itinaas ng presyo ng mga Noche Buena products, kabilang anila rito ang mayonnaise, ham, cheese, fruit cocktail, spaghetti sauce, pasta noodles at iba pa.
Payo naman ng DTI sa mga consumers na simulan na nila ang mamili sa ngayon, kahit na paunti-unti dahil posibleng bukod sa Noche Buena products ay mas tumaas din ang mga presyo ng ibang bilihin sa mga susunod na buwan.
Samantala, ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi pa rin bumababa ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.
Aniya, nasa P70 ang kada kilo ng washed sugar habang P98 ang kada kilo ng refined sugar.





Comments