top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Presyo ng mga bilihin non-stop sa pagtaas, kaya pa ba? Kakayanin!

  • BULGAR
  • Oct 30, 2022
  • 1 min read

@Editorial | October 30, 2022


Non-stop ang pagpasok ng mga bagyo. Hindi pa nga nakakabangon sa pandemya, sunud-sunod pa ang kalamidad.


Kasabay nito, magtataasan din ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Ayon sa ulat, inaasahang mananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa mga nalalabing buwan ng taong 2022.


Mataas ang transport at food costs, na dala ng humihinang halaga ng piso at pinsalang dulot ng mga bagyo sa sektor ng agrikultura.


Nitong Setyembre, bumilis sa 6.9% ang inflation rate kumpara sa 6.3% noong Agosto dahil sa mas mahal na pagkain at utilities sa gitna ng mataas na presyo ng oil products.


Batid naman natin na pinakalantad sa inflation ang pagkain na inaasahang magmamahal pa pagpasok ng Nobyembre hanggang Disyembre.


Isa sa mga paraan upang mapabagal ang inflation ay tutukan ang domestic supply ng pagkain at iba pang commodity prices. Kaya malaking bagay ang mga programa at proyekto ng gobyerno para sa ating mga magsasaka.


Mahirap na laging pikit-mata na lang ang mamamayan sa tuwing may pagtaas sa presyo ng mga bilihin.


Kailangang makapaglatag ng iba pang paraan para makasabay sa krisis.


Kaya napakahalaga na mahuhusay na opisyal ng gobyerno ang nakapuwesto. 'Yung may kakayahan, talino at karanasan sa sektor na pamamahalaan.


Dapat magtulungan ang gobyerno, pribadong sektor at ang publiko para maging madali ang paglaban sa mga pagsubok na kinahaharap ng bansa. Magtiwala tayo na kakayanin natin ang lahat at darating din ang panahon na tayo'y makababangon din at tuloy na sa pag-unlad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page