top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Presyo ng mga bilihin, maapektuhan ng giyerang Russia-Ukraine

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 28, 2022



Habang nagaganap ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, pinaalalahanan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na maghanda sa posibleng pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin.


Paliwanag ni Concepcion, siguradong aakyat sa higit $100 kada bariles ng krudo sa internasyunal na merkado, bagay na makakaapekto rin sa pagtaas ng halaga ng iba pang bilihin tulad ng tinapay.


Ito ay dahil nagmumula sa Ukraine ang 25% ng suplay ng trigo ng buong mundo at partikular umanong tataas ang presyo ng pandesal.


Dahil dito, umaasa si Concepcion na huwag tuluyang ipasa ng mga negosyante ang epekto ng inflation sa mga konsumer at dapat umanong maghinay-hinay sila ang mga ito.


Napapanahon na aniya ang pagpapatupad ng Alert Level 1 sa Metro Manila at ibang economic regions para pasiglahin na ang ekonomiya.


Sa gitna ng pandemya, talagang hamon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.


Pero paano pa ngayon na posible pa itong tumaas dahil sa nagaganap na giyera?


Bagama’t masasabing marami na tayong mga kababayan na nakabalik sa trabaho, sasapat pa ba ang kita ng mga ito kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin?


Ang isa pang tanong sa pamahalaan, paano natin paghahandaan ang banta na ito?


Batid nating marami nang problemang tinutugunan ang bansa at isa na ang pandemya, pero ‘ika nga, mas mabuti nang maging handa tayo kaysa mangapa ‘pag nasa sitwasyon na.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page