top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Presyo ng bilihin, bantayang mabuti

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 3, 2020


Walang paggalaw sa presyo ng mga bilihin.


Ito ang pangako ng Malacañang base na rin sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa paghahanda sa magiging epekto ng bagyo.


Ayon sa Palasyo, umapela ang pangulo sa mga negosyante na huwag nang samantalahin ang taumbayan.


Nakasaad umano sa Section 6 ng RA 7581 Act of 1992 na awtomatikong mananatili ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na may kalamidad o nasa ilalim ng state of calamity.


Patuloy namang nakamonitor ang DTI para siguruhin na nasusunod ang suggested retail price (SRP) sa mga pamilihan


Tuwing panahon ng kalamidad, kabilang ito sa mga pinangangambahang mangyari. Minsan, biglang taas ang presyo ng inuming tubig, de-lata, instant noodles at kung anu-ano pa.


Kaya ngayong doble-doble ang hamon na ating kinakaharap dahil sa pandemya at sunud-sunod na pananalasa ng bagyo, dapat lang hindi masamantala ang pangangailangan ng taumbayan.


Panawagan sa mga kinauukulan, tiyaking nababantayan ang presyo ng mga pangunahing blihin. ‘Pag may napansing kakaiba, silipin agad at ‘wag nang hintaying ireklamo pa ng mamimili. Bantayan na rin ang mga nagho-hoard ng bilihin.


Kitang-kita naman natin ang hirap ng buhay ngayon. Tipong hindi alam ng karamihan kung saan kukuha ng pang-araw-araw na panggastos dahil sa pandemya, dagdag pa ang epekto ng bagyo.


‘Wag na nating dagdagan ang paghihirap ng taumbayan, kaya panawagan sa mga negosyante, magnegosyo kayo nang patas.


Sa dami ng problema ng bansa, walang lugar ang mga mapagsamantala at walang awa.


Kahit maraming hirap sa kabuhayan, piliin pa rin nating kumita sa malinis na paraan.

Kung nagnenegosyo kayo para mNovember , 2020is lang, manahimik na lang kayo.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page