Presyo ng balde, tumaas dahil kay PBBM

ni BRT @News | October 15, 2026

Photo: File
Ilang araw matapos sabihin ni Pangulong Bongbong Marcos na bumili na ng balde bilang sagot sa El Niño, tumaas na ang presyo nito.
Sa ilang tindahan sa Quezon City, Bulacan at sa iba pang lugar, kasunod ng pagtaas ng demand sa gitna ng pangamba sa banta ng Super El Niño, nagmahal na ito.
Gayunman, sa isang pahayag, tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office na walang inaasahang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Nakapaghanda umano ang mga water concessionaire at may mga alternatibong mapagkukunan ng suplay ng tubig.





Comments