Press Sec. Cruz-Angeles at MMDA acting chief Dimayuga, positibo sa COVID-19
ni Lolet Abania | August 15, 2022

Nagpositibo si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa test sa COVID-19.
“Kahapon nagpa-COVID swab test ako, RT-PCR at lumabas ang resulta kaninang umaga. Ako po ay positive for COVID,” pahayag ni Cruz-Angeles sa Facebook Live ngayong Lunes.
“Kung kaya’t sa bahay muna ako magtatrabaho habang ako ay naka-isolation,” dagdag niya.
Ayon kay Cruz-Angeles siya ay asymptomatic. Nang tanungin kung nagkaroon siya ng contact kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., aniya, “The President is fine.”
Hinimok naman ng kalihim ang publiko na magpabakuna na at i-avail ang booster shots upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa coronavirus.
“Kukunin ko na rin po itong pagkakataon na maghikayat na magpabakuna tayong lahat at magpa-booster,” saad ni Cruz Angeles.
Samantala, si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III ay nagpositibo rin sa test sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng MMDA Information Office ngayong Lunes.
Batay sa MMDA, si Dimayuga ay nakararanas ng mild symptoms gaya ng sipon.
Nagsimula naman na ng home isolation si Dimayuga na tatagal ng pitong araw.





Comments