Preso, nakuryente habang naliligo, dedo

ni Mai Ancheta @News | October 22, 2026

Photo: BJMP Argao District Jail
Patay ang isang 26-anyos na bilanggo makaraang makuryente habang naliligo sa loob ng kanilang selda sa Argao District Jail, Cebu nitong Martes, October 20.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Argao Municipal Police Station na alas-7 ng gabi habang naliligo umano ang biktima ay bigla itong nangisay.
Ang insidente ay nasaksihan ng isang detainee at agad na inalerto ang jail officers.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung bakit hindi na pansin ng mga namamahala sa jail ang mga bagay na maaaring makapinsala sa mga bilanggo.
Sinisilip din ang posibilidad kung may foul play sa insidente.





Comments