top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Presidential candidate na bida sa ‘blind item’ ni P-Digong, ilantad na

BULGAR
Jun 24, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 24, 2022


P-DIGONG, PANGALANAN NA ANG PRESIDENTIAL CANDIDATE NA BIDA NOON SA KANYANG ‘BLIND ITEM’—Halos isang linggo na lang ay bababa na sa puwesto si P-Duterte, na ang ibig sabihin ay hindi na siya lider ng bansa pagsapit ng tanghali ng June 30, 2022.


‘Yun nga lang, aalis na siya sa poder nang hindi man lang niya pinapangalanan kung sino ang tinutukoy niyang “presidential candidate na adik sa cocaine”.


Sa totoo lang, masyadong malala na ang problema ng bansa sa illegal drugs kaya’t importanteng malaman ng mamamayan kung sino ang tinutukoy niyang presidential candidate noon na adik sa cocaine, lalo na’t sa dinami-rami ng posisyon ay pagka-presidente pa ang tinakbuhan ng tinutukoy niya sa ‘blind item’.


◘◘◘


WINNIE MONSOD, NAGPAPANSIN KAY SARA DUTERTE—Sabi ni former Socioeconomic Planning Sec. Winnie Monsod na “temporary” lang ang pagiging pangulo ni Pres-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil kapag naglabas na ng desisyon ang Supreme Court at diniskuwalipika ito kaugnay sa kanyang tax case, siguradong si incoming Vice-Pres. Sara Duterte na ang magiging pangulo.


Tila nagpapansin na si Monsod kay Sara, na sakaling mangyari nga ito, baka nga naman kunin siya at ibalik sa dati niyang puwesto sa National Economic Development Authority (NEDA).


◘◘◘


MARCOS LOYALISTS ANG NAGPANALO KAY SARA, DDS ANG NAGPANALO KAY BBM?—Dahil sa sinabi ni Monsod, nagbabangayan na ngayon sa social media ang mga Marcos loyalists at DDS.


Ayon sa mga loyalista ay hindi mananalong VP si Sara kung hindi dahil sa boto ng mga BBM supporters, samantala, ang resbak naman ng mga DDS, hindi mananalong pangulo si P-BBM kung hindi dahil sa boto ng mga Duterte supporters.


◘◘◘


SENTIMYENTO NG MGA TSUPER VS. TUGADE, DAPAT PAKINGGAN NI P-BBM—Nanawagan ang iba’t ibang transport groups kay P-BBM na huwag panatilihin sa puwesto si DOTr Sec. Art Tugade dahil hirap at gutom ang inabot ng mga tsuper sa pamumuno nito sa DOTr.


Ngayong alam na ni P-BBM ang sentimyento ng mga tsuper, tingnan natin kung pananatilihin pa niya sa posisyon sa DOTr si Tugade, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page