Presidentiable na aatras, abangan!
- BULGAR
- Mar 10, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | March 10, 2022
DAPAT ay ibawal ang motorcade.
Kapos ng suplay eh.
◘◘◘
HINDI na COVID ang kuwentuhan ngayon.
Giyera naman.
◘◘◘
MAS grabe ang negatibong epekto ng digmaan kaysa sa pandemic.
Virus ay hindi nakikita ng mata ng tao pero ang tao mismo ang sanhi ng giyera.
◘◘◘
BEHAVIOR ng virus ang sinusuri noon sa pandemic.
Behavior lang ni Putin ang sinusuri ngayon.
◘◘◘
INUTIL ang WHO na mapigil ang COVID.
Inutil din ang UN para pigilin ang digmaan.
◘◘◘
NABIBISTO ang kahinaan ng US.
Masusukat naman ang tikas ng Russia.
◘◘◘
KALIWA’T kanan pa rin ang bentahan ng illegal drugs.
Inaantay ng mga adik ang pamamaalam ni P-Digong.
◘◘◘
WALANG kongkretong plano ang mga presidentiables kontra-droga.
Bakit kaya?
◘◘◘
KAHIT ang isyu sa e-sabong ay iniiwasan.
Hulaan n’yo, bakit din?
◘◘◘
WALA ring specific programs ang mga kandidato para sa economic recovery.
Nambobola lang ang mga ‘yan.
◘◘◘
SINO daw ang dark horse sa mga presidentiables?
Siya ‘yung umaasa sa wala.
◘◘◘
AYON kay Maritess, may presidentiable na aatras bago mag-Mayo.
Kung sino ang pumiyok, siya na mismo ‘yun.
◘◘◘
HINDI mapigil ang pagsasara ng ilang negosyo.
Imbes na guminhawa, gumagrabe pa ang buhay sa buong mundo.








Comments