President Trump, dinala sa military hospital dahil sa COVID
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | October 3, 2020

Sakay ng helicopter si US President Donald Trump na dumating sa isang military hospital sa Maryland sa labas ng Washington kahapon. Ayon sa White House, mananatili siya roon nang ilang araw para sa kanyang COVID-19 treatment.
Ito ang naging desisyon ng administrasyon bilang pag-iingat matapos na ianunsiyo ng pangulo ng Amerika sa kanyang Twitter na nagpositibo siya sa test sa Coronavirus.
"At the recommendation of his physician and medical experts, the president will be working from the presidential offices at Walter Reed for the next few days," sabi ni Press Secretary Kayleigh McEnany.
Mag-isang lumabas si Trump ng White House na nakasuot ng mask at sumakay sa Marine One helicopter para bumiyahe papuntang Walter Reed.
Gayundin, kumaway lamang si Trump sa mga naghihintay na journalists at media sa labas ng White House at mabilis na naglakad pasakay ng helicopter.
Gayunman, pinasalamatan ni Trump ang mga supporters sa isang video message na naka-post sa kanyang Twitter account kasabay ng pagdating niya sa isang medical facility sa Bethesda, Maryland.
"I am going to Walter Reed hospital. I think I am doing very well. But we are going to make sure that things work out," sabi ni Trump.
"The First Lady is doing very well," dagdag pa niya bilang pagbibigay ng update sa kanyang misis na si Melania Trump na nagpositibo rin sa COVID-19.
Isinakay si Trump sa isang limousine pagkababa sa helicopter para dalhin na sa malapit na military hospital na suot ang isang special secure medical suite.
Samantala, ayon kay Treasury Secretary Steven Mnuchin at White House Chief of Staff Mark Meadows, ang 74-anyos na US president ay nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19. Bukod du'n, wala nang binanggit na detalye ang dalawa tungkol sa kondisyon ni Trump.
"We have a president that is not only on the job but will remain on the job and I’m optimistic that he will have a very quick and speedy recovery," sabi ni Meadows.





Comments