Prenup photoshoot nina Viy at CongTV, inilabas na
- BULGAR
- Feb 15, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 15, 2024

Inilabas na ng mga vloggers na sina CongTV at Viy Cortez ang kanilang mga cinematic prenup pictures kung saan kitang-kita ang kanilang pag-iibigan na puno ng kulitan at kasiyahan.
Nagbahagi ang Nice Print Photo ng ilang larawan kung saan nakasuot si Cong ng suit at si Viy naman ay naka-red gown.
Kinunan sila habang naglalakad sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan, habang sila'y nagbabakasyon kasama ang kanilang pamilya. Kahit na ito ang pinakamasikip na kalsada sa buong mundo, lumikha pa rin ang mga larawan ng isang sandali ng kapayapaan para kina Cong at Viy na tila ba mga bida sa isang fairytale!
Hindi pa rin ibinabahagi ang mga detalye sa kasal.
Matatandaang inanunsiyo nina Cong at Viy noong 2022 na sila ay engaged na.
Comments