Prangkahan na ‘to, David… “BARBIE IS A WIFE MATERIAL” — JAMESON
- BULGAR

- Aug 5
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 5, 2025
Image: Barbie Forteza at Jameson Blake - IG
Pinag-aawayan at pinag-uusapan pa rin ang pagho-holding hands nina Barbie Forteza at Jameson Blake habang naglalakad pauwi pagkatapos ng GMA Gala 2025.
Sa dalawa, si Barbie ang mas na-bash dahil sa ka-love team nitong si David Licauco at tila wala na siyang karapatang makipag-holding hands sa ibang guy.
Pero, hindi lang pala ang holding hands ang sweetness na na-witness kina Barbie at Jameson dahil nakitang hawak din ng aktor ang cape ng gown ni Barbie noong naglalakad na sila. Binitiwan lang ni Jameson ang cape nang makita niya ang glam team ng aktres at ibinigay dito.
Bukod doon, nakita ring ipinasuot ni Jameson kay Barbie ang kanyang coat nang makitang giniginaw ang Kapuso actress, bagay na na-appreciate ng mga fans ni
Barbie. Halata raw na alaga ng aktor si Barbie at wish nilang pangmatagalan ito.
Heto pa, after ng event, hindi agad umuwi ang dalawa, nag-McDo pa sila at marami ang nakakita sa kanila. Ang feeling tuloy ng mga bashers, may kasama sina Barbie at Jameson sa McDo, ‘yun ang kumuha ng video at nag-post.
Lalo pang kikiligin ang mga fans sa sinabi ni Jameson na, “Barbie is a wife material,” na dahilan para mapasigaw ang mga kausap nitong press.
Kahit sinabi ni Jameson na in general ang gusto niyang tukuyin, nasabi na niya at ang biruan ng press, wala nang bawian.
Nabanggit pa ni Jameson na pareho sila ng likes and dislikes ni Barbie, kaya sila magkasundo. Pareho rin silang bookworm at nagsa-suggest pa si Jameson ng books na magugustuhang basahin ni Barbie.
Sa two first holding hands nina Barbie at Jameson, sabi ng aktor, crowd control ‘yun dahil marami ang nagpapa-picture sa aktres sa marathon. Sa GMA Gala, walang fans na nagkagulo kay Barbie. Ang sinabi raw rason ni Jameson ng holding hands nila ay for motivation.
Motivation for what? ‘Yun ang hindi naipaliwanag.
So, ano nga ba ang relationship status nina Barbie at Jameson? I guess, we have to ask them again at baka nagbago na ang kanilang sagot after the GMA Gala 2025.
Ang ganda-ganda ni Carla Abellana sa suot na yellow Mark Tumang gown sa GMA Gala 2025, may dala raw itong sariling ring light dahil nakakasilaw ang datingan niya.
Pare-pareho ang comment na, “Ang ganda n’yo po,” at may tumawag sa kanyang “Belle of Beauty and the Beast,” at “Cinderella.”
May mga nega comments lang na hindi mo alam kung naiinggit o basher lang ni Carla. Ang comment na pangit daw ng color ng gown ni Carla, at may humirit pa na hindi bagay sa age niya, na agad sinagot ng mga fans.
Samantala, sa interview kay Carla sa GMA Gala 2025, kinumpirma nito na nakikipag-date na siya.
Aniya, “I’ve said it naman na before. It’s about time na I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it. There is a second date. We’ll see if there’s gonna be more dates.”
Hindi pa rin binanggit ni Carla kung sino ang naka-date niya at makaka-date uli. May mga tsika na doctor ito, pero hintayin natin na ang aktres mismo ang magpakilala sa kanya… sa tamang panahon.
HINANAP si Rhian Ramos sa GMA Gala 2025 dahil hindi siya um-attend. Tinanong ang leading lady ni JC Santos sa Pocket Media Films na Meg & Ryan (M&R) kung bakit wala siya sa event ng kanyang home network, pero hindi pa niya sinasagot.
Siguradong isa sa magpapasabog ng kagandahan at kaseksihan si Rhian kung dumalo siya.
Sa mediacon at premiere night nga lang ng M&R movie nila, pasabog na ang gown ni Rhian at ngayon lang namin naisip na parehong red gown ang kanyang suot in both occasion.
Anyway, showing na simula bukas, August 6, ang pelikula sa direction ni Catherine O. Camarillo sa panulat ni Gina Marissa Tagasa. Ang ganda ng pelikula, makaka-relate ang mga boys kay Ryan (JC) at ang mga girls kay Meg (Rhian). Pare-pareho rin ang sinasabi ng nakapanood sa premiere night na malakas ang chemistry ng mga bida.
May mga nagulat sa karakter ni Rhian na liberated at tanong nila, paano siya napapayag ni Direk Catherine na tumakbo sa kalye only in her underwear. ‘Yun ang magic ng director at ganda na rin ng story ng movie.
Sa interview kay JC, nabanggit nito ang “I want to be Tom Hanks.” Ito ay nang sabihin namin na ang mga movies na ginagawa niya ay kapareho ng romance movie na ginagawa ng Hollywood actor.










Comments